“HAPPY… MALIGAYA at tanggap ko na ang puwedeng mangyari sa akin. The truth will prevail,” wika ni Sen. Bong Revilla sa kanyang “showbiz na showbiz na privilege speech na inabangan ng sangrekwang mga Pinoy na usyosero.
Showbiz dahil idinaan niya sa dramang pamamaalam with matching MTV ang kanyang farewell speech sa mga kaibigan niya sa Senado, kung sakaling mahuli at makulong dahil sa pagkakasangkot sa PDAF scam. At least nasabi na niya ang kanyang pasasalamat.
Love namin si Sen. Bong as the Bong Revilla of showbiz. Love namin si Panday. Love namin siya bilang isang showbiz celebritiy. Pero hindi bilang isang lingkod bayan na inihalal ng milyong Pilipino na nagtiwala sa kanya na sa bandang huli ay masasangkot lang sa isyu ng pandarambong.
Sa totoo lang, siesta time namin ‘yong oras ng kanyang privelege speech sa Senado last Monday. Imbis na umidlip at matulog, inabangan namin. ‘Yun pala, imbis pasabog ang ini-expect ng sambayang Pinoy ay ginawang “showbiz” ni Sen. Bong ang kanyang eksena. Bulong ng isang insider sa amin, “We planned it para maiba. Tanggap na ni senador ang magiging ending ng kanyang political career.”
Maging ang mga piling showbiz press na inimbitahan para mag-cover ng eksena ni Sen. Bong, happy. Dahil daw rito, maluwag sa kanya na tatangapin niya kung anuman, sakaling makulong man siya.
Pero hindi maiwasan ang komentaryo ng mga netizen na sablay si Sen. Bong sa kanyang privilege speech at ikinumpara sa litanya ng BBF niya na si Sen. Jinggoy Estrada noong Miyerkules.
Mas intelihente si Sen. Jinggoy. ‘Di hamak na kumain ng alikabok si Sen. Bong sa pa-petiks-petiks niyang privilege speech na sa isang interview kay Sen. Bong ng isang news program, aminado siya na kaliwa’t kanan ang banat sa kanya ng netizens na tanggap naman niya at sabi nga niya, “sports naman ako, kaya okey lang.”
Kung saan hahantong ang pagkakasangkot ng pangalan ng dalawang showbiz celebs na naging pulitiko na nakilala bilang sina Pogi at Sexy dahil sa “scam”, abangan na lang natin. Makukulong ba sila kasama si Tanda (alyas ni Sen. Juan Ponce Enrile)? Ang misis ni Sen. Jinggoy na si Precy ay handa na at maging ang mga anak nila.
Pero may reporter na invited ang umangal sa give sa envelope. “I Love You lang ng inabot sa amin, ‘di ba dapat mas biggie ang share kung P224,512,500 man ang na-gets ng lolo mo sa kaban ng bayan?” Sabay laugh ng harbaterang reporter na nandu’n sa pa-dinner ni Sen. Bong sa isang Chinese resto after the privilege speech noong Lunes.
Reyted K
By RK VillaCorta