SENATOR BONG Revilla is given his day, not necessarily in court, kundi sa Mataas na Kapulungan as he delivers his privilege speech sa darating na Lunes, January 20. Kaugnay pa rin ito ng kanyang alleged involvement sa PDAF scam.
Kaya panawagan ng senador, isantabi muna ang panghuhusga ng publiko dahil sa takdang araw na ‘yon daw niya isisiwalat ang buong katotohanan. Long-overdue move na raw ‘yon had his fellow solon Jinggoy Estrada not gotten in the way.
Hindi lingid sa kaalaman ng buong sambayanan na ang “Pogi” na tinutukoy ng pangunahing whistleblower na si Benhur Luy ay si Bong. “Tanda” ang reference kay Senator Juan Ponce Enrile, samantalang “Sexy” naman kung tukuyin si Jinggoy.
Of the three solons, nauna nang nagsumite sa Ombudsman ni Manong Johnny (Enrile) ng kanyang pahayag sa kanyang non-involvement sa scam. Weeks later, it was Jinggoy’s turn.
Nakakaintriga ang hint ni Bong in his forthcoming privilege speech: sasabihin na raw niya ang buong katotohanan.
For all the world to listen, siguraduhin lang sana ng mambabatas that his tell-all speech is going to be worth the while of every angry Filipino.
KAWALAN NG oras para mag-shoot ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang produksiyon sa likod ng Be Careful With My Heart na iatras na lang ang film version nito para sana sa nakaraang Metro Manila Film Festival.
Had it been an MMFF entry, nakatatlo sanang monster hits ang Star Cinema with Boy, Girl, Bakla, Tomboy and Pagpag raking in impressive box office take.
Tinanong namin ang mahusay na aktres kung hindi ba nanghihinayang ang buong cast that the film version was not fielded in the festival? “Hindi. Imagine, bago mag-Pasko, halos araw-araw kami kung mag-taping. Eh, sa wala talaga kaming time para mag-shooting. Kayanin man namin, patay-patayan naman kaming lahat,” ani Ibyang.
Dahil subsob sa trabaho ang buong cast bago ang kasagagan ng holidays, bumawi naman daw ang iba sa kanila during their well-deserved vacation. Kuwento ni Ibyang, “From December 26 to 31, nakabiyahe kami sa Japan. Pero ‘yung bakasyon namin, matagal na naming ipinakiusap ‘yon kasi nga alam na namin na dire-diretso ang trabaho namin.”
This 2014, Sylvia is back on her toes still with the said non-primetime morning soap. This may interest the readers: ang orihinal kasing plano na tatakbo lang ng tatlong buwan o one season (13 weeks) ang BCWMH ay extended pa ng isang taon. “Kung hindi ako nagkakamali, ito ang longest-running soap sa non-primetime,” pagmamalaki ng hitad.
THE ONLY thorn among the roses si Dennis Padilla sa tatlong babaeng makakatunggali niya for the half a million peso-jackpot prize sa Picture! Picture! bukas, sa ika-9 na episode nito.
Ang iba pang makakalaban ni Dennis ay sina Angelu de Leon, Bianca King at LJ Reyes. Kung tutuusin, mga beterano na sa mga game show ang apat na contestants, but who among them will likely emerge as the winner?
Magiging basehan nila sa pagpili ang hindi masyadong kinakatakutan. Maaga namang magagamit ng players ang kanilang back-ups. Paano nila didiskartehan ang pagsagot ng mga tanong to be able reach the half a million-peso mark? hanggang sa KALAHATING MILYONG PISO?
Abangan bukas ang Picture! Picture! bukas hosted by Ryan Agoncillo, alas sais ng gabi sa GMA.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III