SENATOR BONG Revilla blew his chance when he delivered his privilege speech at the Senate last January 20 gayong meron pa pala siyang pasabog waiting to explode.
Tanong: bakit hindi pa itinodo ni “Kap” ang kanyang amazing stories to prove his innocence? Katuwiran ng mambabatas to justify such procrastination, darating ang aniya’y takdang panahon o perfect time.
So when does he think is the perfect time?
Nag-aalsa na ang mga mag-aaral na sobrang inip na inip na sa resulta ng imbestigasyon sa mga sangkot sa pork barrel scam. As if this students’ act of defiance is not enough, ginamit na ring kapaki-pakinabang ang nausong pagse-selfie sa mga cellphone para papanagutin na ang mga mandarambong sa gobyerno.
Given these developments—and at the height of all this public fury and furor—‘eto ang magiting na si Senator Bong na naghihintay pa ng tamang panahon?
The problem with Bong, he continues to issue self-contradicting statements: kesyo nakahanda naman daw siyang magpakulong, even turning himself over without resistance. Yet he swears to high heavens that he should not be nailed to the cross of guilt.
‘Yun naman pala, why would any person with a sane mind allow himself to be put behind bars kung alam naman niya sa kanyang sarili na walang bahid-dungis ang kanyang pagkatao?
How really amazing!
THIS NEXT item is really amazing. Sa nakaraang kids’ edition ng Picture! Picture!, Kapuso child star Elijah Alejo breezed through the jackpot round without much effort, making her richer by half a million pesos.
Sa umpisa pa lang kasi ay confident na si Baby Munchkin (anak nina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa My Husband’s Lover) of her ability to hurdle the picture-aided questions nang hindi sumisigaw ng “Help Me!” sa kanyang kinabog na si Milkah Nacion who—in fairness—was just as smart.
Last Saturday’s edition of Picture! Picture! hosted by Ryan Agoncillo was actually the third wave kung saan pinagsasabong ang mga bibong Kapuso child stars. At kung bakit halos sunud-sunod ang kids’ edition ng naturang show is because of the highly positive viewers’ response to an educational program that caters to an audience regardless of age.
Kaya naman dahil sa patuloy na pagtangkilik sa mga bagets, abanga muli ang kids’ edition this Saturday, kung saan ang mga maglalaban ay sina Hershey Garcia (Kambal Sirena), Ar Angel Aviles (Rhodora X), Jen Jen Antonio (Anak Ko ‘Yan) at Will Ashley de Leon(Innamorata) who each represents his/her GMA show.
Ma-duplicate kaya ng isa sa kanila ang half a million-peso winnings na naiuwi ni Elijah last Saturday? Abangan.
Dating boldie, ibinuking ang pambubugaw ng manager at mga kasamang artistang ibinubugaw rin
BLIND ITEM: Sa isang panayam sa isang dating boldie—a self-confessed victim of flesh trade na talamak umano sa showbiz—walang takot niyang isinawalat kung sino ang manager na nagbu-book sa kanya.
She also dropped the names of several female stars na tulad niya’y umaapir sa tinatawag na go-see to meet up with their prospective clients, most of whom are politicians. Pero in fairness, ang mga pagkakataon daw na ‘yon wouldn’t necessarily lead to jumping to bed with their clients.
Let’s just go by the initials ng mga personalidad na bahagi ng naging trabaho ng hitad: “A” for her manager.
At sa mga nakapanabayan daw niyang pa-dinner-dinner sa mga mayayamang kliyente: “D” (gamit niya ang screen name ng isang pulitiko from down South), “K” (may-asawa’t anak nang aktres na may biyenang isang sikat na TV personality) at “A” (aktres na may dyowang pulitiko).
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III