UPON THE invitation of his sister Andrea “Andeng” Bautista-Ynares last year ay um-attend kami ng birthday party ni Senator Bong Revilla Jr. sa isang five-star hotel sa Roxas Blvd. September last year. Kaya naman bago ang kaarawan ng senador ngayong 2013, tinanong namin ang kaibigang Gorgy Rula, one of the closest friends of the Revilla family, kung meron bang inihahandang pagdiriwang uli.
Ani Gorgy, ang alam niya, the family was planning to go on a retreat although hindi niya binanggit kung saan. Instantly, we thought that it would be the solon’s ideal way of celebrating his birthday lalo’t bago rito ay pumutok ang kanyang pangalan bilang isa sa mga mambabatas na dawit sa P10 billion pork barrel scam with his alleged association with Janet Lim-Napoles.
Sa isip-isip marahil ni Sen. Bong, throwing a lavish party would only bolster public suspicion kung paanong nagkamal siya umano ng malaking pera mula sa mga transaksiyon ni Ms. Napoles.
Nitong Lunes, true to DOJ Secretary Leila de Lima’s promise ay pormal na ngang sinampahan ng plunder case ang itinuturong utak ng scam, kabilang rin ang first batch ng mga mambabatas, two of whom ay ang matalik na magkaibigang sina Senators Bong at Jinggoy Estrada.
Between the two, mas relaxed si Jinggoy na nakuha pang magbiro nang tanungin ng media tungkol sa kanyang kalusugan. In his words, Jinggoy is confident that he’ll be able to get over it considering na nalampasan nga niya noong 2010 ang plunder case ding isinampa laban sa kanilang mag-ama, si dating Pangulong Erap.
In stark contrast, Bong became slightly emotional na noong una’y nakukuhang pang ngumiti. Sa loob ng panunungkulan naman kasi ng aktor-pulitiko—mapa-local hanggang mapa-national—not once had his name been dragged into a political mess until this pork barrel scam came about.
In showbiz circle, kilalang matulungin, generous at media-friendly si Sen. Bong, kaya marami sa hanay ng mga entertainment press ang nalulungkot sa pangyayaring ito.
AWAITING THE coming of her firstborn, maingat si Jolina Magdangal sa kanyang pagbubuntis, hence, she takes on light workload huwag lang masabing nakatengga ang 37 year-old wife ni Mark Escueta.
Jolens leads the guest stars ng episode bukas ng One Day, Isang Araw na pinamagatang Badong Pagong. With a lesson on how to overcome one’s shyness, iikot ang kuwento sa paslit na si Badong who’s an introvert.
Badong is a type of a boy who hides from visitors at home, is afraid to recite in class and is edgy sa kanyang unang pagsali sa school play. May ilang payo ang kanyang nanay at kaibigang si Mickey to address his shyness.
Pero ang tanong, magkaroon naman kaya ito ng bisa kay Badong at tuluyan na niyang malabanan ang kanyang hiya at kaba?
Alamin ang buong kuwento sa One Day, Isang Araw kasama sina Jillian Ward, Milkah Wyne Nacion, Marc Justine Alvarez at Joshua Karon Uy. Tampok na panauhin si Jolens kasama sina Rich Asuncion at Barbara Miguel, mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez 6-7 pm sa GMA 7.
BLIND ITEM: Engkuwentro ito sa pagitan ng isang direktor at ng isang pulitiko, nagkataon kasing artista ni Direk ang anak ng huli sa ginawa niyang pelikula kamakailan.
Tinanong ni Direk kung anong playdate ang gusto ng pulitiko, letting him deceide for his son who’s a showbiz upstart.
But the conversation shifted to a serious tone. Assuringly, sabi ni Direk sa pulitiko, “Alam mo, magkaiba man tayo ng pananaw sa pulitika, pero nasa likod mo ‘ko.” Hindi raw napigilan ng pulitiko na mapaluha.
Putok na putok na kasi ang pangalan ng pulitiko na sangkot sa isang napakalaking iskandalo na tinututukan ng bayan.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III