BONGGACIOUS ANG FREE birthday concert ni Congresswoman Lani Mercado with the Rainmakers na ginanap sa Bacoor Town Plaza last April 12. Present ang buong pamilya nina Sen. Bong Revilla at Candy sa nasabing special event. Napuno ang town plaza sa dami ng taong nakiisa sa kaarawan ng kanilang minamahal na congresswoman.
Nag-duet sina Lani at ang Rainmakers. Wala pa ring kakupas-kupas ang boses ng actress-politician. Sa kahilingan ng nakararami, nagbigay ng kanyang solo number ang actress-politician, nag-concert na nga sa ikasisiya ng kanyang nasasakupan.
Siyempre, may duet moment si Lani with her husband Sen Bong. After the concert, hinarana at pinag-pray over nang kanyang mga kababayan ang butihing congresswoman ng Bacoor.
Wish ni Lani on her birthday? “Ang wish ko matupad ‘yung ipinangako kong cityhood bill ng Bacoor. Kapag naipasa ko ‘yun, tuluy-tuloy na ang development sa aming munisipalidad na magiging siyudad.”
Nakapag-adjust na kaya si Lani sa pagiging congresswoman? “Nakapag-adjust na naman, ‘yun nga lamang nakikita ko minsan, ako na lang ang wala sa bahay, nand’yan na lahat ang tao. Ako ‘yung umaalis nang umaga, sila tulog pa. Si Bong, ‘yung schedule niya depende, kung minsan ako naman ‘yung late umalis ng bahay. Siya naman ‘yung maagang-maaga, may mga ganu’ng situation.”
Excited ba naman si Lani sa nalalapit nilang wedding muli ni Sen. Bong? “Oo naman, ‘yung mga ninong at ninang namin noong 1998, may pumanaw pero nadagdagan ng kaunti. Sina GMA, Gina De Venecia, Fidel Ramos. Si Ninong Ronnie Poe, wala na tapos may namatay pa kaming isang ninang. ‘Yung original ninong at ninang, patay na rin ‘yung nasa States,” banggit niya.
Nakausap din namin si Bong, masaya ngayon ang Senador sa takbo ng kanyang showbiz at political career same with Lani. May pamilyang tunay na nagmamahal sa kanya. “Ang gusto ko lang naman ay makapagsilbe at kung papaano tayo makakatulong sa isang bayanan,” sambit niya.
Wish ni Bong para sa kabiyak niyang si Lani? “Ano pa ba ang mahihiling ng isang Lani Mercado? Parang ako rin ‘yun, kumbaga, we’re so blessed. Hanggang kamatayan, hanggang mamatay ako, mabuhay muli siya, siya pa rin, naks!” Matalinghaga sagot ni Senador.
Ibig kayang sabihin ni Bong, tapos na ‘yung kalokohan niya sa babae at nag-iisa na lang sa puso’t isip niya si Congresswoman Lani? “Oo, tapos na ‘yun.”
Birthday gift ni Bong kay Lani? “Punung-puno ng pagmamahal. Wala na kasing material thing sa amin kasi, everyday naman sa amin Pasko. Kahit walang okasyon sa amin may regalo, parang birthday. Of course, may bulaklak, may surprise birthday gift ako sa kanya. Simple bag, nabili ko na.”
This coming May, wedding anniversary nina Bong at Lani at ikakasal muli sila sa Saint Therese church. “Dapat ang wedding namin sa States, mayroon tayong trabaho sa Senado so, i-adjust na lang namin, dito na lang gawin ‘yun actual wedding on May 28. So, dapat kasi, i-advance ko ng May 9, bale a-absent ako ng two session pero may trabaho nga tayo kaya ni-move na lang namin. Ayaw ko namang sabihin ng mga tao na inuna pa namin ‘yung kasal namin kaysa sa trabaho natin sa bayan.”
Bakit sa dami ng simbahan, sa Saint Therese church gagawin ang wedding ninyo ni Lani? “Wala na kasing available church. It’s gonna be exclusive on Channel 7. Simple lang, pero modern wedding. Siyempre, ipapalabas din ‘yung 1986, first wedding and then ‘yung 1998 so, ipapakita ‘yun. ‘Yung naka-kabayo ako at saka batang-bata ako, 25 years ago, ipapakita ‘yun. Tapos makikita ‘yung present time naman, ‘yung suot noong panahon na ‘yun. Kasi, noong panahon na ‘yun kasi, 1998, centennial celebration. Ang mga bata, abay, bestman, ring bearer naman ‘yung mga apo ko,” kuwento pa niya.
Plans this Holy Week? “The whole family will go to Boracay.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield