IF REPORTS are true, nakalulungkot isipin that even the most respected lawmakers in the land also have their share of sad personal stories now known to the public.
Nauna nang nabalitang hiwalay na si Senator Chiz Escudero sa kanyang misis with whom nagbunga ng twin children ang kanilang pagsasama makaraan ng ilang taon din nilang paghihintay na magkaroon ng supling.
This is not the first time na mababasa n’yo ang umano’y lantad na ring dahilan ng kanilang espousal breakup. Diumano, the solon’s wife is playing beautiful music with a male dancer of a former famed group.
Kamakailan, kinumpirma rin ni Senator Koko Pimentel na hiwalay na rin sila ng kanyang misis of nearly 12 years, si 1998 Binibining Pilipinas-Universe Jewel May Lobaton with whom he has two sons na ngayo’y kasa-kasama ng senador in a rented condo unit.
Ang umano’y itinuturo namang third party sa kanilang pagsasama ay ang mismong kababayan ng dating beauty queen, si Bacolod Congressman Rolando Golez Jr. As of last year, maugong na raw ang tsismis sa House of Representatives ang umano’y ugnayan nina Golez at Lobaton who were frequently seen at the restaurants and at the malls sa labas ng Metro Manila.
Pero sa ipinadalang text reply ni Jewel May sa Startalk TX, she said, and we quote: “It’s been very tough emotionally and psychologically for me the past months most specially these past days because more than anything else, I am a mother to our two children who are minors (ages 7 and 2). I have to protect their rights as children as they are also affected by all these,” unquote.
Itinanggi rin ni Jewel May na merong third party that caused her separation from her senator-husband. Unfair daw kay Golez whose name is dragged in the issue as the third party.
With no attempt at moralizing the issue involving the good senators, kahit paano’y may epekto ito lalung-lalo na sa family-oriented public na mataas ang tingin sa mga mambabatas whose lives are worthy of emulation.
Granting that marital transgressions have been committed by their respective spouses, bilang mga tagalikha ng mga batas ay may firm stand ba sina Escudero at Pimentel ukol sa ganitong kaso, na makatutulong sa mga ordinaryong mister na iniwan ng kanilang mga asawa for some reason?
CONTRARY TO reports na meron siyang iniindang karamdaman, Edu Manzano was in tiptop shape nang humarap sa press para ianunsiyong tuloy na tuloy na — sa wakas — ang kanyang TV comeback via TV5’s Game N’ Go.
Kung hindi kami nagkakamali, it took all of less than six months bago ikinasa ang proyektong ito. For some reason, may mga minor hitches that had stifled its kick-off, isa na rito ang na-blind item na “physical inability” ni Edu.
But with his energetic appearance at the press launch, Edu proved his detractors wrong. ‘Yun nga lang, while his upcoming TV game show ay mapapanood sa Kapatid Network, hindi naiwasang mabanggit ang mga personalidad from the other stations.
Edu’s son Luis Manzano is with ABS-CBN, ang nobya naman nitong si Jennylyn Mercado ay nasa GMA. Regardless of network affiliations though, pinuri ni Edu ang pagkatao ng kanyang “hilaw na manugang” for being such a loving, caring daughter to her Mommy Lydia.
For the record, Edu had met Jen prior to her relationship with his son. Ang family-orientedness daw ng aktres ang nagustuhan ni Edu, isang bagay na aniya’y tila nawawala na sa tradisyon ng mga Pinoy.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III