Mahigit kalahati na ng kabuuang 90 days ang lumilipas since the national campaign began. Sa panahon ngayon when it’s the candidates’ turn on the local level para mangampanya, sa aming lugar sa Pasay City ay wala pang idinaraos na malakihang rally ng mga kandidato.
Dito sa Pinoy Parazzi namin isinulat (at nalathala noong August 14, 2015) ang pagkakakilala namin by accident ng isang ‘di kalayuang kamag-anak ni Senator Chiz Escudero.
With prominent Spanish mestizo features, bakas sa itsura ng septuagenarian na aming nakilala sa isang beerhouse sa Pasay ang kanyang kabataan. A retired banker, the old man is a resident of a street parallel to ours.
Aware siya noon pa tungkol sa mas mataas na puwestong nais masungkit ni Chiz. Sa katunayan, siya pa raw ang magsasabit ng tarpaulin ni Chiz Escudero sa harap ng kanyang bahay bilang suporta sa kamag-anak.
Binigyan namin ng kopya ng Parazzi ang maybahay ni Chiz na si Heart Evangelista as soon as our column came out. Sasabihin daw ni Heart kay Chiz ang tungkol sa long lost relative nito.
Sa paglabas ng kolum na ito ay apat na linggo na lang ay botohan na (May 9). Kung tutuusin, kulang ang dalawampu’t walong araw (minus one day bilang pahinga naman sa bisperas ng eleksiyon) para galugarin ng mga kandidato ang buong Pilipinas.
Ang mga tulad ni Chiz at iba pang tumatakbo sa mga pambansang puwesto ay umaasa lang naman sa mga lokal nilang kaalyado in getting campaign sorties organized and mounted.
Sa amin sa Pasay, ang matutunog lang na lumalaban sa pagka-mayor ay nasa ilalim ng mga tiket nina Roxas, Duterte at Binay. At kung walang independent mayoral candidate, malabo ngang maisulong ni Chiz—kasama si Grace Poe at kanilang senatorial slate—ang kanyang kandidatura.
Kaya malabo ring muling pagtagpuin si Chiz at ang kanyang kamag-anak whose contact number ay aming iniabot kay Heart, pero ewan kung pinag-aksayahan man lang tawagan ni Chiz na kailangang-kailangan ng suporta lalo’t kinakabog siya sa mga survey ni Bongbong Marcos.
MARAHIL, HINDI ganap na nauunawaan ng mga viewer ang tila pabagu-bago o papalit-palit na time slot ng nakasanayan na nilang tutukan sa telebisyon.
One such case of a teledrama na nakailang beses nang nabago ang oras ng pag-ere ay ang primetime teledrama ng TV5, ang “Bakit Manipis ang Ulap?” na isang malaki’t ambisyosong produksiyon ng Viva Communications.
To date, mahigit isang buwan nang nasa himpapawid ang BMAU which offered a stiffer competition sa mga kasabay nito sa dalawang channel. Having piloted last February 15, initially ay gabi-gabing natutunghayan ang BMAU on a fixed time slot until nagsimulang umere ang Carlo J. Caparas’ “Ang Panday” two Mondays later.
Ginawang pre-programming ng Ang Panday ang BMAU, pero ang noo’y gabi-gabing pananabik sa kuwentong umiikot sa mga bidang sina Claudine Barretto, Cesar Montano, Diether Ocampo at Meg Imperial ay ginawang tuwing Lunes, Martes at Huwebes na lang tulad ng Ang Panday.
Right after Holy Week, mas late nang natutunghayan ang BMAU. Pagkatapos na ng Tagalized series na “Supernatural” ito napanonood. Kung bakit nabago na naman ang time slot nito ay isang strategic positioning to attract more viewers vis a vis its rival programs.
Of course, the BMAU viewers are hardly aware of these programming adjustments. Basta isa lang ang tangi nilang concern: to watch an engaging teledrama worth their while.
RELATABLE KUNG ilarawan ng aming inaanak sa kasal na si Michael ang papel ni Ryan Agoncillo bilang Jingo sa Sunday sitcom ng GMA na “Ismol Family”. Tulad kasi ni Jingo, nakikisama rin—as if he’s left with any other choice—si Michael sa kanyang biyenan, magulang ng kanyang asawa.
In Ismol Family, the ageless (at may asim pang si) Carmi Martin plays Mama A, ang intrimitidang ina ni Majay played by Carla Abella who always gets in the way of the couple sa lahat ng mga bagay even if such domestic issues do not concern her anymore.
Bagama’t kadalasan ay palpak ang mga pinapasok ni Mama A, she’s the typical biyenan who only wants the best for her daughter even if it means intruding into the latter’s married life.
At sa bawat pagtatapos nga ng lingguhang kuwento ng “Ismol Family”, it leaves both a lesson and a value na bukod sa tunay na nagaganap sa isang Pinoy family ay kapupulutan din ito ng mga pointers na puwedeng i-apply sa buhay.
This Sunday, isa na namang riot episode ang naghihintay sa mga masugid na tagasubaybay ng “Ismol Family” mula sa kuwelang direksiyon ni Dominic Zapata.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III