Kahapon ay opisyal nang nagsimula ang kampanya para sa mga kandidatong tumatakbo sa mga pambansang puwesto, bago rito ay sumasahimpapawid na rin ang ilan sa kanilang mga patalastas sa radyo at telebisyon.
Napupuna lang namin that of all the national candidates ay tila kokonti ang kay Senator Chiz Escudero, who’s running for VP. And because of this, wala tuloy pagkakataon ang taumbayan na malaman ang kanyang mga areas of concern should he get elected(?).
Lumalabas kasi na nitong mga nakaraang buwan—while waiting for the decision to come upon his runningmate Senator Grace Poe—the solon from Sorsogon was biding his sweet time (read: naniniguro), if not was being cautious with spending money on political advertisements (eh, may mga donors naman siya).
Mukhang pinaninindigan ni Chiz Escudero ang kanilang duwetong deklarasyon ni Grace na kumpara sa ibang partido ay kulang, kundi man hungkag ang kanilang makinarya. In short, wala silang pera.
Sana nga, ang pa-underdog image na ito ang dahilan kung bakit sa huling linggo ng nakaraang buwan ay kapwa nangunguna sina Grace Poe at Chiz sa isang survey sa kani-kanilang desired positions.
Things by now, however, have taken a different route mula kahapon. Walang dahilan para hindi kumilos ang mag-partner, therefore, both cannot stop money from overflowing to fund their national campaign.
Isang personal na karanasan ito sa pagnanais namang mailapit si Chiz sa isang grupo ng mga manunulat sa showbiz na kinabibilangan ng inyong lingkod. Pero ang nagsisilbing kuneksiyon lang namin sa mambabatas ay ang manager ni Heart Evangelista, his wife, na si Arnold “Seb” Mendoza.
Our more-than-an-acquaintance relationship with Seb dates back noong magkasama kami sa programang Tweetbiz sa QTV 11, that was in 2010. Muli ay nagkrus ang landas namin ni Seb when Heart joined Startalk in 2013.
In fairness to Heart, she was fun to work with. An admitted fan, may kunek kasi ang aming mga ninuno ni Heart sa Paniqui, Tarlac.
Anyway, nagpadala kami ng paanyaya sa pamamagitan ng text kay Seb na kung maaari’y mag-drop by sila ni Heart—preferably kasama si Chiz—sa Christmas party ng aming grupo. Bumilang nang maraming araw bago sumagot si Seb, nai-forward na raw niya sa mag-asawa ang aming “lambing”.
Just a week ago, muli kaming nag-text kay Seb. Pabiro kaming nagtanong kung may meet-and-greet ba si Chiz sa entertainment press lalo’t higit ngayon ito dapat nagiging visible for all the universe to know kung ano na nga ba ang kanyang pangarap sa bayan.
Days have passed, the courtesy of replying to our text message ay isang NGANGA. Seb might snap back at us and say, “Hindi ako nagtatrabaho sa office ni Senator Chiz.” Tama naman. But if Seb is the person closest to Heart, entonces, meron din siyang access sa mister nito on a personal basis.
Of course, this won’t in any way affect our closeness kay Heart mismo, hindi naman kasi siya ang tumatakbo yet nanliligaw rin siya ng mga boto that can make Chiz win as VP.
Pero kung ganyang laging “offline” ang kuneksiyon ni Seb sa magiging “boss” (sana) ni Chiz, may dapat bang asahan ang mambabatas?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III