FROM A fellow talent manager, personal na inihatid ng kaibigan nito ang kanyang belated birthday gift kay Lolit Solis: a mahahaling signature bag.
Dali-daling binuksan ni ‘Nay Lolit ang paper bag na naglalaman ng nakasupot pang regalo, “Ay, ang ganda!” Pagmamalaki pa ng Startalk host, “Ito ang gagamitin ko pag punta ko sa El Nido!”
Fast forward. Weeks later, nagkita sina Senator Grace Poe at ‘Nay Lolit sa isang exclusive gathering. Gamit ng TV host ang ipinagyayabang na mahahaling signature handbag, na agad napansin ng senadora.
Sey ni Grace, “Ang ganda naman ng eco bag mo! Nag-evolve na talaga ang mga eco bag, ano?”
Grace’s remark scared the daylights out of the proud bag-toting TV host na nangatwiran na lang ng, “Bigay lang ‘to sa akin, eh.”
Pero at the back of her mind, ‘Nay Lolit vowed to call up the handbag giver immediately para itsika ang tinuran ng senadora. “Naku, talagang tinawagan ko siya, ‘Baklita ka, ‘yung (signature) bag na ibinigay mo sa akin, napagkamalan tuloy na eco bag ni Grace! Nakooo, palitan mo ‘yan ng ibang bag, ayoko ng mukhang eco bag uli, ‘no!”
Last Saturday, dumating sa studio ang may bitbit ng kapalit ng mahahaling signature bag. This time, Gucci.
KARANIWAN NANG ginagamit sa pangangampanya ng mga makapangyarihan ang tatlong G to ensure their victory: Guns, Goons, at Gold.
Sa kaso ni Vice President Jejomar Binay na tiyak nang tatakbo sa pampanguluhang halalan sa 2016, mukhang tatlo ring G ang magsisilbing balakid sa pinupuntirya niyang puwesto.
Graft. Greed. At Grace.
ISA SA kami sa mga nalungkot nang mabalitaan naming kakanselahin na sa ere ang Sunday All Stars ng GMA. Its farewell episode ay sa August 2, barely a month from now.
Sad because not only is SAS the flagship program of the station, nagsisilbi rin kasi itong training ground ng mga Kapuso newbies sa larangan ng singing, dancing, at hosting. Launching pad din ito ng ilang mga Kapuso stars who are given their biggest break ever via shows of epic proportions.
Isa ring malaking eskaprate ang SAS ng mga premyadong singer ng bansa led by Regine Velasquez, at sinusundan ng dalawang Bautista (Mark at Christian) and less than a dozen of equally brilliant singers who are homegrown GMA talents.
So, what’s replacing SAS? Matunog na plantasado na ang pagbili ng time slot nito ng APT Entertainment na pagmamay-ari ni Mr. Tony Tuviera. A block timer, the displaced talents (hosts, staff and crew) definitely have no assurance of being held over.
If it’s any consolation, puwedeng masabi ng lahat ng mga taong bumubuo ng SAS that, “After all, it had a good run.”
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III