KUNG WALA nang urungan ang pagtakbo ni Senator Grace Poe sa pampanguluhan sa 2016, that makes the presidential derby a five-sided one for now.
Tambalang Grace-Chiz Escudero ang ngayon pa lang ay isinusulong ng nag-number one na mambabatas, who’s up against P-Noy’s anointed one, si DILG Secretary Mar Roxas.
Ang nakakulong namang si Senator Bong Revilla believes that he’s the biggest threat to Mar or any administration bet. Despite his lack of charisma and presidential aura, it doesn’t mean that we like Mar less than Bong.
As a matter of succession, tiyak na rin ang pagtakbo ni VP Jejomar Binay. And most recently, ang natalong presidentiable noong 1992 elections na si Miriam Santiago is also joining the fray anew. Here’s wishing she’ll be declared totally lung cancer-free by then.
Medyo nag-aalangan lang kami kung sakaling masungkit ni Grace—na hindi malayong mangyari—ang puwestong dalawang beses nang ninakaw umano ng administrasyong Arroyo—if only because of her late father FPJ’s long-standing friendship sa mga ama nina Bong at ang nakakulong ding si Senator Jinggoy Estrada.
Huwag naman sanang mangyari na kung sakaling magkaroon ng ikatlong babaeng Presidente ang bansa, Grace will not grant pardon nor amnesty to the lawmakers na sangkot sa pandarambong, lest she be accused of abusing her power in the name of “iba ang may pinagsamahan-ship”.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III