IF PLANS don’t miscarry until October this year, ang tambalang Poe-Escudero sa 2016 elections ang maghehele kay VP at UNA presidential bet Jojo Binay at kung sinuman ang magiging running mate nito sa mahimbing na pagkakatulog.
Ayon sa aming source who requested anonymity—hindi sa Liberal Party at lalong hindi sa United Nationalist Alliance aanib si Senator Grace Poe should she decide for President. Running as independent candidates, our source confirmed na niluluto na ang Poe-Escudero tandem, them being close friends, after all.
Sa mga nangyayari sa political landscape these days, Poe—na kinuwestiyon ang residency at pagiging isang ampon—has gained leverage lalo’t nahihirapan ang kanyang mga detractors na hanapan siya ng butas sa pagiging corrupt.
If our source is unimpeachably right, may dahilan para kabahan ang kampo ni Binay. October pa ang nakatakdang pagpa-file ng COC (certificate of candidacy) para sa eleksiyong gaganapin sa Mayo sa susunod na taon.
Pero mukhang as early as now, Binay will likely throw in the towel. Game over.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III