MAGPAKITANG-GILAS LANG si Sen. Grace Poe sa Senado, malaki ang chance na siya ang ilaban ni P-Noy kay Vice President Jojo Binay sa presidential election.
Kung mapapansin ninyo, tila lamang na lamang ang botante ng mga 18-40 years old, kaya mas gusto nila ay mas bata, mas iba ang pananaw sa buhay at umaasa silang malaki ang magagawa para mabago ang mukha ng pulitika.
Sabi nga namin kay Madam Grace sa birthday party ni Tita Cory, “’Wag mong ide-deactivate ang twitter account mo, ha? Tatakbo ka pang Presidente!”
“Uy, ano ka ba, Ogie? Pressure ‘yan, ha? Hahahaha!”
Hay, nako, Madam Grace! ‘Yan din ang sagot sa amin ni Ate Vi (Batangas Gov. Vilma Santos-Recto) nu’ng udyukan naming tumakbong Presidente. Hahaha!
ANG MGA Pinoy talaga, pagdating sa kalokohan, bibilib ka, eh. Tatawa ka, but at the end of the day, parang tinawanan mo ‘yung panlalait na ginawa nila. Nakagi-guilty rin.
Tulad na lang sa pagpe-facebook namin. Du’n nakita namin na naka-plain orange shirt si Sen. Nancy Binay. Aba’y itinabi ba naman sa Ovaltine?
Nu’ng umpisa, iniisip pa namin kumba’t itinabi sa Ovaltine ‘yung picture ni Nancy. Tapos, nararamdaman na lang naming tumatawa na pala kami. Pero feeling namin, parang nilalait na ang kulay ni Nancy, eh.
Bakit, sa totoo lang, kayumanggi naman ang kulay ng isang Pinoy, eh. ‘Pag naging mestiso ka, bonus na lang ‘yon. Kaya nga hindi malayong paglaruan na naman si Nancy ‘pag nagsuot siya ng plain green, tapos, itatabi naman siya sa Milo.
O, ‘di kaya ay plain red shirt at itatabi naman siya sa bote ng Nescafe. O, ‘di kaya’y plain blue at itatabi naman siya sa Nescafe Decaf.
At sa kaookray ng mga detractors ni Nancy sa kanya, ‘pag nainis na naman ang tadhana sa kanila, eh, baka tumakbong Vice President ‘yan sa 2016. Kaya behave na kayo.
USO NGAYON ang Zumba, pero hindi uso ang libre sa Zumba at talagang magbabayad ka. Pero itong “SuZumba Event” na gaganapin this Sat., May 18, 25, June 1 and 8 sa Liwasang Aurora ng Quezon Memorial Circle at 6 in the morning, libre as in walang bayad!
This activity is free to all, families and barkada regardless kung anuman ang edad ninyo, tuturuan kayo ng dance-exercise session na ito ni accredited instructor Dudz Flordeliza.
Hindi lang ‘yon, libre na ang Zumba ninyo, meron pang FREE breast screening para malaman n’yo kung healthy ang suso n’yo o meron nang bukol na maaaring mauwi pa sa cancer!
Kaya malaki ang pasasalamat ng Philippine Foundation For Breast Care, Inc. sa Black Pencil, kay QC Mayor Herbert Bautista, Coun. Bong Suntay and Coun. Candy Medina!
For sponsorships and bazaar participation, please contact Ms. Antolin sa 09154228958 or Ms. Ilagan sa 09178677624!
‘Yung pagpunta n’yo roon, nakapag-exercise na kayo, nakatulong pa kayo sa mga pasyente. Sa mga gustong mag-donate naman, tawagan n’yo lang din ang mga numerong ‘yan.
Oh My G!
by Ogie Diaz