LAST, SATURDAY naka-tsikahan namin si Alex Marcelino (adviser, trusted friend ni Senator Lito Lapid). Disappointed sila nang mapanood nila ang kabuuan ng success story ng action star/ politician last Friday sa programang Tunay na Buhay ng GMA-7.
“Ang success story ni Sen. Lito, nauwi sa intriga,” pasimulang banat ni Alex na dating taga-GMA-7. Sa nasabing show, habang ini-interview ang senador, naka-insert ang video ni Melanie Marquez na nagtataray, humihingi ng sustento para sa anak nilang si Manuelito Lapid na ikinabaliw ng pamilya ni Double L.
Ang totoo pala, hindi nagkulang ng sustento si Sen. Lito sa kanyang anak kay Melanie at alam ito ng model-actress. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang suporta ng senador kay Manuelito (matagal nang naninirahan sa Las Vegas, USA) kapag nangangailangan. Hindi nawawala ang communication ng mag-ama, ayon kay Alex.
Ayon pa kay Alex, “Bago kami pumayag magpa-interview, pinakiusapan ko ang production staff na huwag nang pag-uusapan ang mga babaeng na-link noon kay Lito sa gagawin nilang Father’s Day presentation.”
Palibhasa dating taga-Kapuso Network at malaki ang respeto nito sa nasabing network kaya pinakiusapan si Sen. Lito pagbigyan na sila for interview. “Pumayag naman sila pero hindi sila tumupad sa kasunduan,” say ni Alex na galit sa executive producer ng show. Ikinuwento pa niya na for the first time, pumayag si Lito na pakunan ang mansion nito sa Porac, Pampanga. Pati rancho at mga kabayo, pinaayos. Nand’yan pa nga raw nag-request pa nga ang mga ito na makunang nangangabayo ang action star kasama ang kanyang mga apo sa Clarkfield.
Ang nakakaloka pa raw, nag-interview pa ang nasabing show ng isang political analyst na sinisiraan si Sen. Lito. Wala raw itong ginagawa sa Senado, mag-artista na lang . “Hindi yata nagbabasa itong political analyst, nasa top 5 si Sen. Lito sa mga bill na naipasa niya sa Senado,” depensang wika ni Alex.
Kapag hindi busy si Sen. Lito sa Senado, nagiging libangan niya ang kanyang pitong apo at pagtatanim ng iba’t ibang gulay at prutas sa kanyang 10 to 15 hectare na lupain sa Porac, Pampanga. Hindi ipinagkakaila ng action star/ politician na 56 years old na siya this coming August 21. Physically fit at matipuno pa rin ang panga-ngatawan. Every morning, magbi-breakfast with rice ang senador at mag-ensayo na ito.
Napag-alaman din naming may ginagawang action-comedy show ngayon si Lito sa ABS-CBN. Maganda raw ang trato ng Kapamilya Network kaya enjoy ang Senador sa bago niyang TV show. First time lalabas sa telebisyon ang action star na tiyak naming aabangan ng publiko. Nakatakda ring gumawa ng pelikula si Sen. Lito sa Star Cinema. Say nga raw ng action star, “Uso na ngayon ang matatanda sa telebisyon at pelikula.”
Sa sariling pagsisikap, marami na ring naipundar ang makisig na senador. May gasoline station sa Porac, Pampanga, 7-Eleven, pharmacy at mga lupain. Naaawa si Lito sa mga artista at director na nakasabayan niyang sumikat na hindi nakapagpundar noong time na kalakasan nilang kumita. Bukas ang palad nito sa pagtulong sa mga kasamahan sa trabaho kahit ‘yung iba, hindi niya nakasama sa pelikula. Palaging bukas ang pinto ni Lito kahit noong time na governor pa lang siya ng Pampanga.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield