THIS SOUNDS ridiculous, pero sukang-suka na ang taumbayan sa paulit-ulit sa “sales pitch” hinggil sa layunin ng sinumang kumakandidato sa pulitika: “Nais kong maglingkod sa bayan.” In fairness, while a great number of these candidates are genuinely sincere with their intentions, for a change, mas hahangaan sila kung ang mamumutawi naman ay ang mga katagang: 1) Nais kong mangurakot upang yumaman; 2) Eh, punyeta naman kasi ‘tong mga kamag-anak kong nasa pulitika, eh, kailangan daw hindi maputol ang family tradition; 3) Wala na akong career sa showbiz, kaya ito lang ang paraan para may income ako.
Sa aminin man o hindi ng ilang pulitiko, ito ang sub-text ng kanilang pagpalaot sa pulitika. Enough of frog-skinned, croaking hypocrisy.
AS WE go to press, nananatiling unfazed sa kanilang stand in favour of the Anti-Cyber Crime Law ang sampung senador—led by Tito Sotto—sa pagsasabatas nito sa kabila ng malawakang protesta na ang naturang hakbang ay walang iniwan sa malagim na aninong nilikha ng rehimeng Marcos.
Of the 10 senators who support this law, dalawa rito—Coco Pimentel at Loren Legarda—are re-electionists. Markado na ang mga pangalan nila sa mga botante na maglalaglag sa kanila sa darating na 2013 elections.
But this move should not make their pro-Anti-Cyber Crime Law colleagues feel most secure just because they’re not in the running. Indirectly, may epekto rin ang kanilang stand sa kandidatura ng kanilang mga kadugo.
Sen. Jinggoy’s father, former President Erap Estrada is running for Manila City Mayor. Re-electionist naman ang pinsan niyang si Gov. ER Ejercito at dyowa nitong mayora. Tatakbo rin ang anak ni Sen. Ping Lacson. Councilor reelect sa Quezon City si Lala Sotto. Hahalili naman sa pagka-senador si Cynthia Villar sa pagtatapos ng termino ng kanyang asawang si Sen. Manny. Last term naman bilang Batangas Governor ang asawa nitong si Sen. Ralph Recto. Sa parte naman ni Sen. Bong Revilla, Congresswoman-re-elect ang kanyang maybahay na si Lani Mercado at kandidato naman sa pagka-Bise Gobernador ng Cavite ang anak nilang si Jolo.
Understandably, nang kunan ng pahayag ang mga mambabatas na ito that had seen proper timing sa paghahain ng mga CoC, most of them were like kidnap victims hauled to some undisclosed safehouse whose mouths were gagged, their eyes blindfolded, their hands wiped clean.
Kung tutuusin, barely seven months away pa ang 2013 mid-term elections, but as the popular showbiz expression goes, alam mo na!
ABANGAN NGAYONG Biyernes sa Face To Face ang kuwentong Mga Baba Humahabol Sa Panadero… Anting-Anting Sa Sapin-sapin Ang Kanyang Nakakakiliting Sikreto? Mag-iiwan ito ng palaisipan kung anong anting-anting sa sapin-sapin ang taglay ni Alex? Bakit siya kinababaliwan ng mga kababaihan?
“Nakita ko si Marie, nakahawak sa washing machine. Akala ko naglalaba, paglapit ko nakababa ang panty at may lalaking kasama,” ito ang eksenang tumambad kay Becky nang araw na dapat ay sisingilin niya si Marie. Pero ang lalaking kasama ni Marie ay kinakasama ng kaibigan ni Becky na si Jing. Ang buong akala naman ni Jing ay si Marie lang ang naging babae ng kanyang kinakasama na si Alex.
Bukas, Sabado, tunghayan ang episode na Mga Beking Nasa Iisang Tirahan Nagtuturuan… Jowa Ng Isa Hinalay At Ultimo Briefs Tinangay! September 15 nang mag-blowout si Arman bilang unang sahod niya ito. Siya ang unang nalasing at saka natulog. Nang magising siya kinaumagahan, nakita niyang wala nang suot na briefs ang dyowa niyang si Peter, pero walang umaamin kung sino ang gumalaw rito.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III