MALINAW PA sa aking alaala nang ako’y la-ging pinagsasama ng aking yumaong ama sa kanyang opis sa Senado nu’ng dekada ‘60. Si Tatay ay isa sa mga abogado sa Senate Legislative Reference Division, ahensiya na namamahala sa drafting ng mga senate bills. Ang Senado ay nasa dati nitong kinatatayuan sa P. Burgos, Manila. Ito ngayon ay National Museum Building.
Grade VI ako sa San Pablo Elementary School sa Laguna. Tuwing walang klase, siguradong bitbit na ako ni Tatay sa Maynila. Gising ng alas-5 ng umaga, sakay sa LTB Bus, at bago mag alas-8 naroon na kami. Kain muna ng lugaw at puto sa isang restorang Intsik sa Pasay, pagkatapos, sakay ng jeep papunta sa Senate opis.
Ang Tatay ay 40-anyos, mataba, kapado ang buhok at addicted sa tabako. Sa aking murang puso, ramdam ko ang init ng kanyang pagmamahal. Haplos niya lagi ang aking ulo habang pinagmamalaki niya ako sa kanyang kasamahan sa opis.
Alas-5 ng hapon kung magsimula ang sesyon. Senators Quintin Paredes, Jose P. Laurel, Camilo Osias, Claro Recto, at Lorenzo Tañada ‘yung mga dumarating. Marahan niyang bulong sa akin. Kumislap ang aking mga mata, may ibang pintig sa aking puso habang pinagmamasdan ko silang umupo, suot ay amerikana at barong tagalog. Tila ‘di sila mga ordinaryong mamamayan at ‘yan ay nababanaag sa kanilang kilos at respektableng mukha. Ang paslit kong isip ay wala pang maunawaan noon. Subalit ang karanasan ay matibay na dumikit sa aking alaala.
Sa pag-ikot ng gulong ng buhay, ‘di ko inaasahan na ang opis ng aking nasirang ama ay magiging opis ko rin nu’ng 1986 nu’ng hinirang ako ni dating Vice President Doy Laurel na kanyang tagapagsalita.
Minabuti ko ring makinig ng Senate hearings noon. Ngunit sa mga pagkakataong ‘yun, ‘di ko naramdaman ang naramdaman nu’ng ako’y bata pang kasama ng aking Tatay. Parang naglaho ang certain air of history. ‘Di ko mawari kung bakit.
Nu’ng dekadang ‘yun, ang mga halal na senador ay tunay na competent, kagalang-galang, de kampanilya, at may delicadeza. Walang nahahalal dahil sikat sa showbiz. Wala silang bahid. Una’t huli nilang hangarin ay maglingkod sa Inang Bayan. Babalik pa ba ang dekadang ‘yun?
SAMUT-SAMOT
ANG NASIRANG Tatay ko ay nagtrabaho bilang kasambahay ni former illustrious Senator Don Quintin Paredes para makapag-aral siya ng Law. Ang ilan sa mga gawain niya ay maglinis ng bahay at magpakain ng alagang baboy at manok. Napakabait at makatao ang angkang Paredes. ‘Pag spare time ng Tatay, nagbabasa siya ng law books sa opis ng senador. Sa kampanya, kasa-kasama ang Tatay. ‘Pag kampanya sa Laguna, sa aming bahay natutulog si Don Quintin.
NU’NG DEKADA ‘60, pinakasikat na comedians ay tambalang Patsy at Lopito. Mahigit 12 taon silang hosts ng radio musical show, “Tawag ng Tanghalan”. Dito tumanyag ang yumaong Diomedis Maturan, Perry Como ng Pilipinas. Tuwing Lunes ng gabi ang show. Lahat halos ng households sa bansa dito nakatutok. Ibang uri na komedyante ang dalawa. Kuwela. Walang malalaswang jokes o toilet humor. Sa dekadang ito, nagsisimula sa Clover Theater sina Dolphy at Panchito. Sikat na noon si Bobby Gonzales at Carmen Soriano. Masarap alalahanin ang dekadang ‘yun. Tahimik at mababa presyo ng bilihin.
SA ISANG medical book, ito ang description sa “sakit” o “pain”. “Pain is an unpleasant sensation indicative of a phychological disorder. Pain is caused by irritation of a sensory nerve. Pain maybe described as burning, throbbing, or gnawing. Pain maybe considered as a protective mechanism in that it directs attention to some disturbances in the body. Pain is frequently vague and irregular and the person always exaggerates in describing it. The pain usually disappears when the mental cause has been removed.”
DATI-RATI ‘PAG mga kaibigan ko nagkikita, usapan ay pulitika, girls and sex, latest fashion or movies at iba pang mundane things. Ngayon iba na ang topics. Cholesterol, uric acid, blood pressure, triglycerides, prostate gland enlargement, atbp. Topics din mga kaibigan o kakilalang maysakit o pumanaw na. Tuwing umaga, tinitingnan sa pahayagan ang obituary page. Ang mga ito ay karaniwang sintomas ng pagtanda. Para bang lagi kang may hinihintay. Para bang lagi kang nakaabang sa isang ‘di maiiwasang pangyayaring darating. Nerbiyos din ang karaniwang sakit ng katandaan. Isa na akong biktima nito. Lagi akong kinakabahan. Sa hatinggabi gigising ako dahil sa takot na ‘di ko alam ang pinanggagalingan.
LIVER CIRRHOSIS ang ikinamatay ni Rep. Iggy Arroyo. Very deadly disease na irreversible ‘pag ‘di ginamot agad at lumala. Ugat nito ay labis na pag-inom ng alak at paninigarilyo. Sa mga huling TV footages ni Arroyo, kapansin-pansin ang kanyang pamumutla at labis na kapayatan. Kalunus-lunos ang mga naging karma ng mga Arroyos. Para silang tinamaan ng kidlat. O mabagsik na sumpa ng langit. Leksyon sa lahat. What comes around goes around. Pinakamagaling na karma ay ang paggawa ng maganda. Pagtulong sa kapwa at naaapi. Maraming kawawang nilalang ang nasa paligid natin. ‘Di tayo dapat magbulag-bulagan. Let us all travel the extra mile and help. Nakikidalamhati kami sa mga Arroyos. Sana’y malampasan nila ang unos. Ang Diyos ay handang magpatawad kung may pagsisisi.
Wika ni St. Luke 12:15: “Lord help me not be burdened with unnecessary attachments in this life. Your true life is not made up of things you own, no matter how rich you are.”
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez