Senator-Judges

SA PABORITO kong coffeee shop sa Greenhills, laging mainit na paksa ang impeachment trial ni CJ Renato Corona.  Bukambibig din ito ng milyun-milyong nakatutok sa paglilitis. Mahirap basahin ang baraha ng ilang senator-judges. May ilan na predictable ang magiging desisyon.

Si senator-judge Lito Lapid ay kanino papanig? One loose cent question sabi ng marami. Maaaring laban siya sa impeachment sapagkat si Corona ay kaalyado ni dating Pangulong GMA. Si Lapid ay true-blooded GMA ally at Kapampangan. Easy equation wika ng ‘di iilan.

Subalit unfair ang obserbasyong ito kay Lapid. May natitira pa naman siyang utak para pagbasehan ng desisyon ang merito ng kaso. Biro mo sa loob ng halos dalawang termino, nakapagpasa siya ng iisang batas tungkol sa free stenographic notes fee sa poor litigants. Isang track record ‘yan na ‘di pa mapapantayan sa kasaysayan ng Senado.

Ang layo na rin ng narating ni Lapid. Mula sa isang stuntman ni dating Pangulong Erap hanggang sa isang super kagalang-galang na senator-judge. Ang gulong talaga ng buhay!

At kanino ang boto ni senator-judge Bong Revilla? Pangulo ng oposisyong Lakas, si Revilla ay kilala ring close ally ni GMA.  Balitang siya ang minamanok na standard bearer ng partido sa 2016. Topnotcher siya nu’ng nakaraang halalan. Ngunit kung pag-uusapan ang performance, wala tayong magandang masasabi.

Kagaya ni Lapid, si Revilla ay isang mega-actor at very active sa paggawa ng pelikula. Sabi ng iba, sideline lang nila ang pagiging senador.

Sigurado si senator-judge Bongbong Marcos ay kay Corona. Itaga mo sa bato. Impossible ang political reconciliation sa mga Aquinos.

Isang wild card ay si senator-judge Miriam Defensor-Santiago. Hirap maarok. She’s an ardent constitutionalist. Subalit she has also her known political biases at ang impeachment ay isang political exercise.

Abangan!

SAMUT-SAMOT

 

SIMULA PA lang ng taon, dinalaw na agad tayo ng malubhang kalamidad. Landslide sa Compostela Valley na kumitil sa mahigit 30 tao. ‘Di na tayo natutong magpatupad ng batas. Ang lugar ng kalamidad ay off-limits sa small-time mining.  Ngunit ang local government ay natutulog sa kangkungan. Gaya ng dati, biktima na naman ay mahihirap.

MAKABUBUTI KAY Gen. Jovito Palparan ang sumuko na lang. ‘Di maglalaon may magsusuplong sa kanya dahil sa 1 milyong pabuyang nilatag ng DOJ-DILG. Sa palagay namin, makakamtan niya ang fair trial. By the way, si Gen. Palparan ang pinakapaboritong heneral ni GMA nu’ng kanyang administrasyon. Sa huling SONA ni GMA, pinapurihan siya. Ngunit ‘di maglalaon, pareho na lang silang nakakulong. Tsk. Tsk. Tsk.

 

NAPABALITANG NAGPAPAGAWA ng bahay si dating Pangulong Erap sa Tondo. Pahiwatig ito na seryoso siyang tumakbo bilang alkalde ng Maynila kontra kay Mayor Alfredo Lim. Sa mga unofficial surveys, 9-1 ang lamang ni Erap. Grabe na ang pagkadiskontento ng Manileño sa nakaupong alkalde. Napa-kadumi at magulo ang lungsod. Pagod na si Mayor Lim.  Panahon nang magpahinga.

NAPABALITA NA maaaring si Bise-Alkalde Isko Moreno ang makatambal ni Erap. Powerhouse slate ito. Samantala, si dating Mayor Lito Atienza ay walang balak tumakbo. Tutulong na lang siya kay Erap.

 

SA PASIG City napanatiling mahusay ng mga Eusebio ang kanilang pamamahala. Malinis, maunlad at matiwasay ang siyudad. Si Mayor Bobby Eusebio ay mahal na mahal ng kanyang constituents. Masipag, honest at madaling lapitan.  Ganyan dapat ka-simple ang good governance.

 

ANG SPECIALTY ng isang dambuhalang TV-radio network ay maghatid ng malagim na balita sa gabi. Talagang nakaka-depress. Kaya switch on na lang tayo sa TV5, sa masayang show ni Willie Revillame. Ang channel ding ito ay walang humpay na nagpo-promote ng kultura ng kabaklaan. Nakakarimarim panoorin. Boycott ang lunas!

 

PARANG LASTIKONG binabanat ang araw at gabi. Mamaya ay Valentine’s Day na at Easter Sunday. Matatapos na ang  first quarter ng bagong taon sa isang kisap-mata. Nagpapaalala ito na ang buhay sa mundo ay napakaikli upang maubos sa pakikipag-away at kalungkutan. Gamitin ang bawat araw sa paggawa ng mabuti sa kapwa. Manalig at laging tumawag sa Panginoon.

 

MABUTI SI KC Concepcion has decided to move on. ‘Di sila magkapalad ni Piolo. Sa mga hanay ng screen personalities, kakaiba si KC. May humanitarian heart at compassion. Sana’y tularan siya.

ANG AGOS ng buhay ay patuloy. Iba’t ibang hamon at karanasan ang dapat harapin at balikatin. To live a worthy life, put significance to your life. Share your blessings with others. Reach out. Help.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleSmugglers at Collectors
Next articleObligasyon ng Ama na Bigyan ng Suporta ang Anak

No posts to display