NATUTUWA ang senatoriable na si Herbert Bautista nang payagang makapagbukas muli ang mga sinehan sa darating na mga araw.
Bago inagaw ng pulitika, nagsimula bilang artista si Herbert at naging box-office sensation. Nakilala siya bilang si Bistek ng local showbiz.
Kaya nga nang nagkaroon ng pandemya dulot ng COVID-19 na isinara ang lahat ng mga sinehan eh, labis din siyang nalungkot dahil maraming showbiz workers sa pelikula ang nawalan ng trabaho.
Ngayong bubuksan na ang mga sinehan simula sa November 10, hinihikayat ng senatoriable na manood ng sine upang malibang at ma-entertain.
At kapag napili na ang official entries sa 2021, Metro Manila Film Festival, nananawaga din siya ngayon pa lang na tangkilikin ang pelikulang Pilipino na ipalalabas.
Malapit sa puso ni Herbert ang TV at local movie industry. Kaya isa ang pagtulong sa industriya ng TV at movies sa gagawin niya kapag pinalad sa 2022 elections kung saan isa siya sa tatakbong senador.
Bukod sa paghingi ng suporta sa local movies, nais ding itaguyod ni Heerbert na tangkilikin ang produktong lokal mula sa pagkain at gamit sa sarili at bahay.
Sa pagsisimula ng kampanya, asahan ang pagsisimula ng interesting vlogs ni Herbert nang sa gayon ay swak siya sa mga kabataan at sa estilo ng kampanya ngayong pandemya.