Senyor Ramon Revilla, pinagagawan na ng rebulto ni Sen. Bong Revilla Jr.

BALITA NAMIN AY nabigyan ng anim na buwan para manatili pa rin ng libre ang Childhouse Project ng Ricky Reyes Foundation ni Mother Ricky na isang non-government agency (NGO) sa kanilang kasalukuyang tahanan sa compound Philippine Tuberculosis Society-Quezon Institute (PTS-QI).

Dahil sa naging issue sa pagpapaalis umano sa Childhouse, maraming sikat na personalidad ngayon ang nagpaparating ng tulong dito, lalo’t alam nilang maraming sa mga batang naroroon ay may mga malulubhang sakit. Ilan lamang sa mga ito ay sina Divine Lee, ang magkapatid na Princess Revilla at Andrea Bautista-Ynares na asawa ni Rizal Governor Jun Ynares, at si Karylle. Gaya nila, tahimik lang din daw na nagbibigay-tulong, ng walang camera, ang aktres na si Angel Locsin.

Nawa’y marami pa ngang magpaabot ng tulong sa CHILD House Project at maging sa iba pang gaya nito, mga artista man o hindi.

Katuwang din dito ng foundation ni Mother Ricky ang PCSO at PTS-QI at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Technology and Livelihood Resource Center (TLRC), and various specialty hospitals and medical facilities.

KASALUKUYAN PA LANG nagpapagawa ang magkakapatid na Revilla sa pangunguna ni Senator Bong Revilla ng rebulto ng kanilang butihing ama at legendary action superstar at former senator Ramon Revilla, Sr. sa Cavite Coliseum.

Ang sikat at award-winning sculptor na si Eduardo Castrillo na tubong-Sta. Ana, Manila at ngayon ay nakatira at may studio na rin sa Bacoor, Cavite ang gumagawa ng rebulto ng nirerespeto at isa sa mga tinaguriang icon ng Philippine Cinema na si Senyor Ramon.

Natutuwa ang ama nina Sen. Bong dahil habang nabubuhay pa raw s’ya ay makikita pa n’ya ang kanyang rebulto na ipinapatayo nga ng kanyang mga mabubuting anak para sa kanya. Lagi rin daw s’yang maaalala ng kanyang mga anak ‘pag dumaan sila sa bungad ng Cavite Coliseum at makita ang kanyang rebulto.

Ang alam namin, next month na o January 2011 ang unveiling ng rebulto ni Senyor Ramon. Malalaman din natin sa araw na ‘yon kung nakaukit o nakalagay rin doon ang lahat ng mga pangalan ng lahat ng mga sinasabing higit 40 umanong mga anak ni Senyor Ramon.

NAG-TWEET PALA SI Kris Aquino last November 17 lang na kung hindi pala raw s’ya nakunan about  two years ago nu’ng magkasakit ang kanyang ina na si former president Cory Aquino ng cancer, two years old na sana ang kanilang baby ng kanyang estranged husband na si James Yap na dapat pa yata sana ay isang baby girl.

Kris’ tweets: “If I hadn’t had a miscarriage when Mom got cancer, our baby would be 2 years old now. I really wonder if God meant for me to just have sons kasi there’s a part of my heart that still wished I’d had a daughter. Pero the love of my 2 boys more than enough!”

Pero sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ng TV host-actress, masaya pa rin daw s’ya sa pagmamahal ng kanyang dalawang anak na lalaki na sina Joshua at Baby James o Bimby, pati sa takbo ng kanyang career.

NANG MAKAUSAP NAMIN pala ang mommy ni Kristine Hermosa na si Tita Mai Hermosa-Orille nang tumawag ito sa amin mula sa Canada, nasabi nito na this month (December) ang uwi nito rito sa Pilipinas from Canada, kung saan sila naka-base na ng daddy at mga kapatid ng napakagandang aktres na si Tin. S’yempre, sama-sama silang babalik ng ‘Pinas some time this December.

Mukhang tuluy-tuloy na nga ang pagbabakasyon ng pamilya ni Kristine ngayong Kapaskuhan hanggang sa araw ng kanilang kasal ni Oyo Sotto na sinasabing gaganapin sa January 11, 2011 o 1-11-11. Kaya ngayon pa lang ay binabati na namin ang magkasintahang Tin at Oyo ng ‘Best wishes!’

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Maraming salamat po!

Franz 2 U
by Francis Simeon

Previous articleKuya Germs, pinagbabantaan dahil sa kanyang Walk of Fame?!
Next articleAlfred Vargas, tinanggap na ang offer ng Dos!

No posts to display