PALABAS NA ngayon sa mga sinehan (actually, simula pa Feb. 13) ang pelikulang Serenity na pinagbibidahan nina Matthew McConaughey at Anne Hathaway. Ang pelikula ay handog ng VIVAInternational Pictures at MVP Entertainment.
Ang Serenity ang ikalawang pelikulang pinagsamahan nina McConaughey at Hathaway. Ang una ay ang Interstellar noong 2014.
Sa tanong na kung ano ang nagtulak sa kanila para gawin ang pelikulang ito, tugon ni Matthew, “ I saw a character that I could be very personal with, really find an identity that I can understand.”
Maganda rin daw ang pagkakasulat ng kwento at si Knight ay isang direktor na mapagkakatiwalaan.
Sang–ayon naman dito si Hathaway. “Very creative at extraordinary” daw ang ang pagkakasulat ng pelikula.
Kwento niya, “I got half-way through (reading) and I have no idea what’s going on, but I’m completely in… And I wind up in a place that was very different than I thought it was going to, but it was a place of feeling and intelligence and soulfulness.”
Gagampanan ni Anne sa Serenity ang ang papel ni Karen na isang battered wife.
The film is under the direction of Steven Knight. Dalawa sa pinakasikat na pelikula ni Knight ay ang Seventh Son at The Girl in the Spider’s Web.
Nag-shooting ang Serenity sa Mauritius, isla sa Indian Ocean.
La Boka
by Leo Bukas