MUKHANG HINDI successful ang unit ni Direk Ruel Bayani sa TV remake ng Pasion de Amor dahil hindi ito masyadong pinapanood ng tao at laylay din sa ratings. Hindi yata type ng audience na sexy ang teleseryeng pinapanood nila tuwing late afternoon or before TV Patrol, huh!
Kahit todo-effort na ang cast sa pagpapakita ng katawan at pagpu-promote sa mga mall at sa kanilang social media account, ay hindi pa rin makaalagwa ang serye.
Ano nga kaya ang kulang sa Pasion de Amor? Baka hindi trip ng audience ang masyadong malaswang panoorin sa TV. Usually kasi, ang timeslot na before TV Patrol ay teenager ang audience, ‘yung mga kagagaling lang ng school.
That same timeslot din ipinalabas ang Bagito ng Dreamscape Entertainment, pero in fairness, kinagat ito ng manonood. Dapat siguro ay inilagay na lang sa gabi ang Pasion de Amor, total matured audience naman ang target nila. Tama ba kami, Aaron Domingo?
La Boka
by Leo Bukas