SA TIPO ni Dennis Trillo, mahirap siya pigain kapag kausap mo siya at gusto mo makakuha ng impormasyon sa kanya.
Siya kasi ang tipo ng artista na hindi madaldal na sa isang tanong mo ay kilo-kilometro na kaagad ang makukuha mo na sagot. Si Dennis iba.
Mahiyain kasi, kuwento ng manager niya na si Popoy Caratativo noon, reason kung bakit gustuhin mo man siya pigain sa sagot niya, mahirap or baka iwas lang na masukol lalo pa’t delicate ang isyu.
Usisain mo si Den about sa relasyon nila ng girlfriend na si Jennylyn Mercado, ngingiti lang siya. Magkukuwento ng konti para masagot ang tanong mo kahit konti at ngingiti.
Secretive kasi ang aktor. Pero sa comedy-adveture movie niya na Mina-Anud sa direksyon ni Kerwin Go, ibang Dennis daw ang mapapanood sa kanya.
Out of the box ika nga. In the film, its a different Dennis. Not your usual
Dennis na napapanood natin sa kanyang teleserye at pelikula na “always” seryoso.
Imagine, ang Dennis na magpapatawa sa isang “walwalan” movie kung saan he plays the role of Den na isang surfer na ang buddy niya na si Carlo played by Jerald Napoles ay nakakuha ng 3 tons of high grade cocaine na milyones ng halaga sa dalampasigan ng maliit na baryo nila na nagpabago ng buhay nila na nauwi sa adventure at kaguluhan.
Sabi ng aktor na si Jerald Napoles, ang hindi alam ng publiko, si Dennis ang “bangkero” sa cast ng movie (Alvin Anson, Mara Lopez, Anthony Falcon, Marc Felix, Lou Veloso, Dionne Monsato, Lui Manansala. Richard Manabat, Luke Landrigan and Matteo Guidicelli).
“Si Dennis, tatahi-tahimik lang yan pero magulo yan. Bigla na lang papasok at magpapatawa sa grupo,” kuwento ni Jerald.
Ang Mina-Anud ay Winner of the Basecamp Colour Prize at Singapore’s Southeast Asia Film Financing Forum in 2017 at produced ng Regal Entertainment at Epic Media at magkakaroon ng advance screening as a closing film ng Cinemalaya 2019 on Saturday, August 10 at 8PM at the CCP. Regular cinema showing is on August 21.
Reyted K
By RK Villacorta