KAAGAD na dinepensahan ni Seth Fedelin si Andrea Brillantes sa mga bashers pagkatapos ang viral na pagsagot ng “yes” ng dalaga kay Ricci Rivero after ng UAAP game nitong April 9 na hudyat ng pagiging couple nila officially.
Nag-live sa social media si Seth nitong April 10 para makiusap sa netizens na itigil na ang pamba-bash sa kaibigang si Andrea.
“Biglaan lang itong live ko nuod kayo. Alam niyo na bakit ako nag-live guys. Hindi ko na kailangan mag-explain. Basta manuod lang kayo. Kaya naman ako nandito, kasi gusto ko lang magsalita. Ngayon ako magsasalita kasi hindi na maganda yung mga nababasa ko. At hindi ako magsasalita para sa sarili ko. Magsasalita ako para din sa kaibigan ko,” simulang pahayag ni Seth sa video.
“Paano ko ba ito masisimulan? Kasi yung mga nababasa ko unfair, napaka-unfair dahil wala po kayong alam. Unfair po para sa kaibigan ko na makabasa at makarinig ng mga salita na wala tayong karapatan para banggitin. Kahit ako, walang karapatan na magbanggit ng mga ganung salita. At ako mismo, para lang din alam niyo guys, alam ko kung ano talaga ang nangyari. Alam namin kung anong nangyari. Alam nung mga kaibigan namin kung anong nangyari.
“Ito hindi ko na natiis talaga kasi sobra na guys. Nawawalan na tayo ng respeto. Hindi na tama yun. Hindi na deserve ng kaibigan ko na makarinig ng mga ganung salita, ganung mga pekeng balita. Hindi niya deserve. Kaya tama na guys, tama na po. Please lang tama na,” patuloy niyang pahayag.
Nilinaw din ng binata na wala siyang anumang galit kay Andrea.
Giit niya, “Wala akong galit. Ang meron ako tuwa dahil deserve ng kaibigan ko na may gumawa sa kanya ng ganung bagay. Ipagsigawan siya sa publiko. Kaya happy ako. Wala akong anything negative na nararamdaman. Dahil alam ko ang totoo guys. Kami ang nakakaalam ng totoo. Kaya kayo, magsitigil na kayo. Yun lang guys, tama na. Kaya lang naman ako nandito para sabihin ito. Para tumigil na. hindi na madugtungan ng kung ano pa.
“Dahil so far, sa mga nababasa ko, sa mga naka-tag sa akin, sa mga nakikita ko sa social media ko, nagbubukas ako, hindi na tama. At saka may mga bagay na walang kuwenta. Itong live na ‘to, hindi ko buburahin itong live na ‘to guys para may makapanuod pa rin.
“Suportahan na lang natin. Huwag na tayo sumira. Yun na lang guys. Hindi na tama yun dahil ako mismo suportado ko. Suportado ko silang dalawa. Yun lang. walang dapat madehado dito. Kasi alam natin ang totoo. Kaming dalawa ang may alam kung anong totoo guys. Kayo wala kayong alam, wala kayong idea. Hindi tama lalo na’t babae. Parang wala naman tayong respeto guys sa mga magulang natin, sa mga nanay natin. Hindi ako magsasalita para sa sarili ko. Nagsasalita ako para sa kaibigan ko.”
Sa huling bahagi ng kanyang video ay nakiusap siya sa kanilang supporters na suportahan ang kanilang upcoming project ni Andrea na Lyric and Beat set for release this year.