SOBRANG MABENTANG-MABENTA ngayon sa Quaipo ang sex video ng lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at ng girlfriend nitong si Neri Naig na nagkakahalaga lamang daw ng 25 pesos.
Selling like hotcakes nga daw ang sex scandal ng dalawa sa mga taong hindi nakapanood nito sa Facebook habang ang ibang nakapanood na nito ay gusto pang panooring muli ang eksena ng dalawa .
Mukhang malabo pang mangyari ang gusto ni Chito Miranda na mag-lie low at ‘wag nang lumaki pa nang lumaki ang usap-usapan sa sex scandal nila ni Neri dahil napirata na rin ito at malaki ang posibilidad na from Quiapo ay kumalat pa ang DVD copy nito sa buong Pilipinas.
Mabuti na lang at nagdesisyong magpakalayu-layo muna silang dalawa at ‘wag nang magpa-interview pa para wala nang lalabas pang pahayag sa kanya, dahil si Neri ay ayaw namang magsalita at magkumento sa pangyayari.
MALAKI ANG posibilidad na kumita ang pelikula ng Heaven’s Best Entertainment na Raketeros na showing na ngayon na pinagbibidahan nina Herbert Bautista, Andrew E., Long Mejia, Dennis Padilla at Ogie Alcasid na ini-release ng Star Cinema.
Ito’y base na rin sa reaksiyon ng mga taong nakapanood na nito na nagsasabing sobrang natatawa sila at nag-e-enjoy sa pelikula. Aliw na aliw raw sila sa pagsasama-sama ng ilan sa mahuhusay na komedyano sa bansa, kaya naman daw siguradong maganda raw ang pelikula at talagang uuwi silang happy baon ang mga nakakatawang eksena na kapupulutan naman ng aral sa nasabing pelikula.
Ang Raketeros ay kuwento ng magkukumpareng may kanya-kanyang raket at kanya-kanya sabit – ang cable guy na si Berto (Herbert), hasler sa bilyar na si Mando (Dennis), driver na si Mulong (Long), all-around singer na si Julio (Ogie) at ang ‘alagad’ na si Andoy (Andrew).
Star-studded ang Raketeros kung saan mapapanood dito sina Joey Marquez, Sam Pinto, Ryan Bang, Wendy Valdez, RR Enriquez, Regine Angeles, Tippy Dos Santos, Rodjun Cruz, Eula Caballero, Karen Reyes, Markki Stroem, Ryan Boyce, Yachang, IC Mendoza, Ahwel Paz, Patricia Ismael at Lassy sa direksiyon ni Randy Santiago.
John’s Point
by John Fontanilla