THIS COMING March 24, ga-graduate ang SexBomb dancer na si Che Che na cum laude sa Holy Trinity para sa kursong Mass Com. Si Joy Cancio na kanyang manager ang agad na nagsabi sa atin na very proud sa kanyang alaga dahil kahit nagsasayaw ito ay nagawa pa rin nitong makapag-aral nang sapat, kung saan ay isa ang dalaga sa mga nangungunang mag-aaral ng Holy Trinity.
“Nakaka-inspired, ‘di ba? Imagine, kung gaano kahirap ang kalagayan ng batang ‘yan. Working student siya pero tingnan mo, kahit ganu’n, tingnan mo, ga-graduate siya with honor!” Sabi pa ni Joy sa Pinoy Parazzi.
Sa kabilang banda, kung si Che Che ay arangkada sa pag-aaral at sina Rochelle Pangilinan, Aifah at Jopay ay bumabandera bilang artista, si Sunshine Garcia naman ng SexBomb ay segment reporter na ngayon ng Dos.
“Actually, sinusubukan ko ang field na ito, Tito Morly. At nagpapasalamat ako sa Dos, dahil binigyan nila ako ng ganitong break,” Kay Sunshine ang pahayag na iyon matapos makipagsabayan sa amin ng pag-i-interview sa mga nanalo sa nakaraang PMPC Star Awards for Movies.
Ayon kay Sunshine, bukod sa pag-arte, pangarap daw talaga niyang maging news anchor dahil ito ang linyang pinag-aaralan niya ngayon sa kolehiyo.
“Nakaka-excite ang ganitong work, parang masaya ako sa news reporting,” sabi pa ng dalaga na nagsabi sa kanyang pagtatapos na nami-miss na niya ang SexBomb group.
“Madalas din kaming nagkikita, pero hindi tulad before na magkakasama kami talaga.”
Sa kabilang banda, inamin ni Joy Cancio na nagbabalik siyang ibenta ang bahay niya sa Kamuning. Ito ‘yung tahanan ng mga SexBomb nang kung ilang taon dahil dito nagpa-practice ang mga mananayaw.
“May mga kumakausap na sa akin, pero as of now, wala pa akong final na desisyon.”
Feeling kasi ng mabait na manager, kailangan niyang ibenta ang nasabing ari-arian para ipuno sa ibang bagay na kinakailangan.
“Ang buhay ng tao ay parang gulong lang, Morly… minsan nasa ibabaw at minsan nasa ilalim. At nagpapasalamat ako sa Itaas dahil nagdadaan man ako ngayon sa pagsubok ay hindi niya ako pinapabayaan,” pagwawakas ni Joy sa Pinoy Parazzi.
SA FIRST day pa lang ng pelikulang Corazon: Ang Unang Aswang, P7 million agad ang kinita ng nasabing pelikula kaya ganu’n na lang ang kasiyahan nina Derek Ramsay at Erich Gonzales.
Sa totoo lang, sunud-sunod ang mga pelikulang ginawa ni Derek na tumabo sa takilya: una ay ang movie na pinagsamahan nila nila ni Anne Curtis (No other Woman); ang sumunod ay ang movie with Vice Ganda (Private Benjamin), at ngayon ay Corazon. Kaya walang dahilan para pa-kawalan siya ng Star Cinema at Channel 2.
Hindi kay Derek nagmula, pero ayon sa balitang aming nakalap ay nakalulula raw ang talent fee na in-offer ng Dos sa aktor, bukod pa sa magagandang proyektong nakalaan para rito na nakatakdang gawin ng binata sa sandaling pumirma ito ng bagong kontrata sa nasabing TV network.
Pero hindi pera ang usapin kay Derek, dahil hanggang ngayon ay dala pa rin nito ang sama ng loob sa Dos matapos na hindi ito bigyang-proteksiyon sa mga intrigang ang Dos pa mismo ang nagsimula.
Sa kabuuan, naguguluhan pa rin si Derek kung lilipat siya sa Singko dahil sa TV5 feeling ng binata ay higit ang respeto ang ibibigay sa kanya.
“Actually, naguguluhan talaga si Derek. Mabait kasi sa kanya si Manny Pangilinan at nagkausap na sila. Then ang Dos naman, nagbigay na ng bagong kontrata kaya mahirap talaga,” sabi pa ng aming kausap.
Anu’t anuman ang maging desisyon ni Derek, isa lang ang tinitiyak ng binata. Wala siyang pagsisisihan sa kanyang magi-ging desisyon.
More Luck
by Morly Alinio