Isang ordinaryong all-female dance group na binuo ng beteranang dance artist-turned-talent manager and TV producer na si Joy Cancio noong 1999 ang Sexbomb. At that time, Dance Focus pa ang pangalan nila na unang nakatawag-pansin nang i-promote at isinayaw nila sa Eat… Bulaga! ang big hit na Sexbomb song ng foreign artist na si Tom Jones.
“Nagkaroon ng ‘Meron O Wala’ game portion ang EB na after a month ay naging ‘Laban O Bawi,’ ang grupo pa rin ang nagpu-promote ng nasabing dance hit song na ginagamit na parang theme song ng naging popular na pakontes ng EB. Hanggang sa si Joey de Leon, tinawag na silang Sexbomb,” kuwento ni Joy Cancio.
Apat pa lang ang miyembro ng grupo noon, sina Rochelle Pangilinan, Jenine, Che Che and Debbie. At dahil sa kanilang regular dance stints sa EB, biglang sikat sila at naging in-demand sa shows hanggang sa malalayong probinsiya.
Sa umpisa, may tumutuligsa sa Sexbomb kabilang na ang ilang pulitiko. Inulan ng batikos hindi lang ang very revealing sexy costumes na isinusuot ng grupo kundi maging ang mapangahas at maharot na dance steps nila. Muntik pa nga silang ipatawag sa Senado noong mga panahong iyon.
Nasakyan na rin ng masang Pinoy na hindi naman malaswa ang estilo at sexy packaging ng Sexbomb na ang konsepto ay galing sa ideya mismo ng metor nilang si Joy.
“That time, usung-uso sina Jennifer Lopez and Britney Spears dance,” say ni Joy.
In-adopt ito ni Joy, dinebelop para maiba nang konti sa pamamagitan ng pag-combine ng dance step na pinauso niya noong panahong aktibo siya bilang Vicor dancer para pumatok at masayaw rin ng mga bata. And she succeeded naman sa goal niyang iyon.
Kasunod ng popularity ng Sexbomb ay ang pagkakaroon ng misunderstanding sa pagitan ng grupo at ng manager at nanay-nanayan nilang si Joy Cancio. Isa sa naging isyu ay ang hinala dahil sa sulsol ng iba na malaki kung mag-cut ng komisyon si Joy.
Hanggang sa nagpaalam ang tatlong miyembro sa dahilang babalik na lang sa pag-aaral, hihinto na sa pagsayaw para mag-iba ng linya, at iba pang mga personal na rason. Pero nagulat na lang si Joy na after two weeks ay nakita na lang niyang sumasayaw sa kabilang istasyon ang mga ito.
Si Rochelle lang daw ang naiwan. Pinili ng dalaga na manatili sa poder ng mentor nilang si Joy na siyang nagluwal at nagsikap na makakuha sila ng break sa telebisyon at mapabilang sa pamilya ng EB. Iyon ang panahong nagsagawa ang show ng search para sa mga bagong miyembro ng grupo, ang Sexbomb Showdown contest. Doon na-discover sina May, Weng, Grace, at anim na iba pa. Ikasampu na nadagdag si Jopay Paguio na from a dance group ng Magandang Tanghali Bayan o MTB ng Dos ay lumipat sa pangangalaga ni Joy. From a group of ten, 24 na sila ngayon.
From dancers, naging recording artists ang SexBomb noong 2002. Nag-hit ang first album nila na may carrier danceable song na Bakit Pa? Sinundan ito ng Spaghetti at dalawang Christmas album. All in all, nakapitong hit album ang Sexbomb. At nagkaroon din sila ng sariling TV series, ang Daisy Siete.
Nagkaroon ng misunderstanding ang SexBomb sa Eat… Bulaga! na humantong sa sandaling pagkawala nila sa show.
Naayos din ang gusot sa pagitang ng Sexbomb at ng pamunuan ng TAPE Inc., at bumalik ang grupo sa show.
SexBomb will be forever thankful sa Eat… Bulaga! Of course, isang malaking bagay rin na makasama ng SexBomb ang instutusyon na sa telebisyon, sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
by Ruben Marasigan