SEXBOMB GIRLS, KAPAMILYA NA?!

AFTER MATSUGI SA Eat Bulaga at mawalan ng regular show sa Kapuso Network ang numero uno at nangunguna pa ring all-female group na SexBomb Girls, balitang nag-ober da bakod na ito sa ABS-CBN. Mapapanood daw ang grupo sa Sabado sa Happy Yipee Yehey! na katapat ng Eat Bulaga.

Tsika ng aming source, magiging espesyal daw na panauhin ang SexBomb at ipapakita ng mga ito ang kanilang galing sa pagsayaw na hindi pa rin napapapantayan ng ibang grupo d’yan. Pero hindi raw nila kasama si Rochelle Pangilinan na out na pala sa grupo at nagsosolo na. Hindi rin daw kasama sina Mia at Aira dahil parehong may kontrata pa sa GMA-7.

Ang guesting ba na ito ay hudyat na any day now ay magiging Kapamilya na ang SexBomb Girls? Well, ‘yan ang ating aabangan!

BLIND ITEM: NAKAKAAWA naman ang isang sikat na child star. Kahit dumating na siya sa point na sobrang dami ng trabaho, mukhang wala siyang naipon. Kaya nang sumapit ang puntong dumalang ang dating ng show, wala siya ngayong mahugot na salapi. Ang ending, nangungutang ang kanyang mga magulang gamit ang pangalan ng child star sa mga kilalang artista para sa kanilang gastusin sa araw-araw.

Mabuti raw sana kung isang artista lang ang inuutangan nila, marami raw at lahat ay nagugulat dahil nga naman sobrang sikat ng child star at sunud-sunod ang project nito noon sa telebisyon, pelikula at TV commercial.

Tsika nga ng isang sikat na TV personality na inuutangan din ng magulang ni child star na, “Kawawang bata, sa dami ng projects, e wala man lamang naipon! Saan kaya napunta ang perang pinaghirapan niya at gano’n na lang na nawala?”

Saan nga kaya napunta ang sikat na child star? Bakit umabot sa puntong walang-wala na sila ngayon?

Mabuti na lang daw at may show pa ito sa isang sikat na TV network at may kinikita ulit kaya kahit papaano. Kung hindi, e baka nabaon na sila sa dami ng kanilang utang!

TUNAY NA MAY puso ang Tweenhearts at Captain Barbell regular na si Bea Binene sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong. After mapabalita ang pagsuporta niya sa iba’t ibang foundations, nakarating sa amin ang pagtulong ulit ni Bea sa mga tambay ng 2nd St. Caloocan City.

“Trabaho Sa Tambay” daw ang project ni Bea kunsaan binibigyan niya ng trabaho ang mga tambay. Ipinapasok niya ang mga ito sa kanilang factory. Layunin daw ni Bea na bigyan ng mapagkakakitaan ang mga taong hindi nabigyan ng suwerte sa  paghahanap ng trabaho.

Bukod pa rito ang pag-sponsor ni Bea ng basketball team na lumalaban sa iba’t ibang tournament sa mga barangay. Rason ni Bea, mas maganda raw na tumutok sa sports ang mga tambay na kabataan kesa malulong sa bisyo.

NAKADAUPANG-PALAD NAMIN ANG multi-talented at Los Angeles, California-based, pero ngayon ay nasa bansa na si Aya Talampas. May ilang benefit shows siya para sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong.

Ginagamit ni Aya ang kanyang talento sa pag-awit at pagsasayaw para makalikom ng sapat na halaga na idino-donate niya sa mga kapus-palad nating mga kababayan. Naging panata na raw niya ito, kaya  naman  every year ay umuuwi ito sa bansa para magkaroon ng benefit shows.

Bukod sa pag-awit at pagsayaw, nais ding magkaroon ng isang talk show o variety prog-ram ni Aya tulad ng kanyang iniidolo at tinitingalang host na si Kuya German Moreno. Ayon pa sa kanya, isa raw si Kuya Germs sa kanyang inspirasyon. Ito rin daw ang kanyang idolo pagdating sa pagtulong sa mga kabataang nagnanais na magkaroon ng puwang sa showbiz.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleRICHARD GOMEZ, BIDA NA ULI!
Next articleSEN. KIKO PANGILINAN, APRUB MAGING SEKSI ULI SI MEGASTAR!

No posts to display