KAKAIBANG Jasmine Curtis-Smith ang mapapanood ng mga tao sa pelikulang ‘Alter Me’, na exclusively mapapanood sa Netflix.
Kung ang kanyang Ate Anne ay nag-umpisa bilang teen star na naging teleserye favorite and later on one of the most loved sexy movie queens ng bansa, hindi rin magpapadalo ang nakakabatang kapatid nito na si Jasmine, na mas humahataw sa mga indie films.
Nag-umpisa si Jasmine ng kanyang showbiz career sa pag-guesting sa It’s Showtime hanggang sa kunin ito ng TV5 at ginawang homegrown drama princess. Kung ang ate niya ay mas ‘mainstream’ ang mga proyekto, mas nakita ng mga tao si Jasmine sa independent film festivals. Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan nito na napansin siya ay ang Transit, Puti, Culion at LGBT film na Baka Bukas.
This time, kapares niya ang Kapamilya actor na si Enchong Dee na first time din nagpaka-daring sa pelikulang Alter Me na produced ng Ten17P at Viva Films for Netflix. Gumanap ito bilang isang HR Manager na nagdesisyong pasukin ang ‘alter’ world sa social media para maibalik ang dating ‘siya’. Dito ay makikilala niya ang isang boytoy na ginagampanan ni Enchong Dee, na kilalang-kilala bilang Hari sa Alter World. Magkukrus ang landas nila at mamamalayan na magkakilala na pala sila noon.
May mga sexy scenes sina Enchong at Jasmine na kung hindi ka sanay, mapapa-woah ka na napapayag ang nakababatang kapatid ni Anne na gawin ang mga maiiinit na eksena with Enchong. Kunsabagay, hindi na ito bata. Nasanay lang talaga tayo na tingnan siya bilang ‘Anne’s little sissy’.
Showing pa rin sa Netflix Asia ang ‘Alter Me’ at nag-trend pa nga ito sa first few weeks of release nito. Sa telebisyon naman ay regular na napapanood si Jasmine sa Descendants of the Sun ng GMA-7.