SA PANIBAGONG YUGTO ng Imortal, tatalakayin ang mga pagbabago sa buhay nina ‘Lia’ at ‘Mateo’ na ginagampanan nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz. Mas mabagsik na istorya ang hatid nito sa mga manonood dahil sa matitinding mangyayari sa pagmamahalan ng dalawang itinakda.
Naniniwala ba si Lloydie sa pag-ibig ng isang Imortal?
“Oo, mas madaling maniwala ‘pag nagmamahal ka. Mas mada-ling paniwalaan ang mga bagay-bagay, in the same way na mas madali kang masaktan kapag nagmamahal ka. Oo, naniniwala po ako.”
Natagpuan na ba ni Lloydie ang tunay na pag-ibig?
“Kapag nandito ka sa puntong ito na kagaya ko, mayroon isang relasyon. Mahirap hindi sabihin, mahirap na hindi mapaniwalaan na hinihiling mo na, nahanap mo na. Na parang, hindi siya mahirap isipin na nahanap mo na at nahanap ka na. Kasi kung minsan, nahanap mo na pero hindi pala ikaw ang hinahanap.”
Sa bawat character na gina-gampanan ni Lloydie sa pelikula at telebisyon, nakakaapekto ba ito sa kanyang personal relationship with her girlfriend ?
“Kumbaga sa istoryang ginagawa naming, iba-iba ang leading ladies. I don’t think na makakaapekto ‘yun, hindi siya dapat panggalingan. Sa tingin ko, hindi siya dapat mag-reflect or magbigay ng pattern sa mga tao at i-assume nila na nagre-reflect ‘yung ginawa mo professionally sa totoong buhay mo.”
Ayon kay Angel, hinihiwalay niya ‘yung personal sa trabaho. Sa si-mula pa lang na makatrabaho niya si Lloydie ini-enjoy nila ang isa’t isa. Hindi nila nilalagyan ng kulay ang pagiging malapit ni-lang dalawa dahil may respeto sila sa bawat isa.
VERY PASSIONATE ANG love scene nina Angel at Lloydie, anong naramdaman ng actor habang kinukunan ang eksenang ‘yun?
“Maganda ang pagkakagawa. Maganda ang execution, magaling ang pagkakagawa ni Direk Jerry Lopez Sineneng, tamang-tama for TV talaga.”
Ibig kayang sabihin ni Lloydie na feel niya ang love scene nila ni Angel?
“Well, maganda ang pagkakagawa, hindi naman kailangan ‘yung totoong mararamdaman. If you make love to a person, kailangan lang iri-create and na iri-create siya sa pamamagitan ng mga execution ni Direk Jerry kung gaano ka-sensual ‘yung expression na ipinakita ni Angel, ipinakita ko. Maraming factors and we’re very happy about it, kasi na-achieve ‘yung gustong ma-achieve ng script at namin.”
Mga qualities na na-discover ni Lloydie kay Angel?
“Mula’t simula pa lang namin ni Angel, first few days na nagkasama kami ni Angel, hindi ka mahihrapang sabihin na si Angel ay napakagalante. Galante sa oras niya, minsan sa pera, nagpapanood ng TV sa kanyang malaking van lahat kami nagkukumpulan du’n kahit mahal ang gas. Nagpapa-party, dati pa lagi nilang sinasabi and I can say this, sa ilang babaeng nakapareha ko parang si Angel ang medyo na-insecure ako. Parang ako pa ‘yung leading lady kung mag-alaga siya. Napakamaalaga po ni Angel, after that nu’ng ma-realize ko mas naging attentive naging mas sensitive sa pangangailangan. On that sense, malaki ang naitulong niya sa akin.”
Sinabi ni Lloydie na sa isang relationship as much as possible he want it to last. Kailan mo mari-realize when love has gone wrong?
“Well, it’s hard to argue with love. May pumapatay nga dahil sa pag-ibig. May nabaliw or nasiraan ng bait, pero the thing is, kapag nagmamahal ang isang tao talagang mahirap kuwestiyunin. Mahirap tanungin kung itutuloy mo kahit mali? Ideally, I don’t think magtatagal ang isang pagmamahalan kung may mali. Kasi, kahit anong pilit mo magtutuloy-tuloy siya nang maayos, smooth sailing. Mahirap yatang magtagal, magtuloy at pa-nindigan.
Comment ni Lloydie tuwing nababanggit ni Ruffa Gutierrez ang pangalan niya. “Naku! Hayaan po ninyo silang magbanggit ng name ko. Masarap kasi banggitin ang name ko!”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield