FOR THE LAST time ay nagsalita na ang magaling na host/comedian at successful businessman na si Arnell Ignacio tungkol sa takbo ng relasyon nila ng Japanese-Pinoy actor na si Suzuki Sadatsugu.
Ayon kay Arnell, hindi pa raw sila nagkikita o nagkakausap ni Suzuki mula nang bumalik ito ng bansa ga-ling ng Korea para lumaban sa isang contest. Pero hindi naman daw big deal ‘yon dahil mas gustong bigyang-pansin ni Arnell ang bagong radio program sa Radio Inquirer AM 990 (10 PM -1 AM, Lunes hanggang Biyernes).
Ayaw na raw pansinin ni Arnell ang balitang pinaiiwas na si Suzuki sa kanya dahil hindi naman daw siya nakakatulong sa career ng model-actor. Buwelta na lang niya, kung hindi na-link sa kanya si Suzuki, makikilala raw ba ito ng mga tao o mapapansin ng GMA-7?
Kaya raw naging visible si Suzuki sa telebisyon at mga tabloid ay dahil nadikit ang pangalan nito sa kanya at siya rin daw ang dahilan kung bakit naging regular ito sa Master Showman at sa radio program na Walang Siesta sa 594 DZBB. Kaya hindi raw totoong hindi nakatulong ang pagkaka-link niya kay Suzuki kung ang pagbabasehan ay ang magandang nangyari sa career ng GMA-7 talent.
At kung totoong pinalalayo na sa kanya si Suzuki, wala raw problema kay Arnell. Hindi naman daw ito kawalan sa kanya! Ngayon pa lang daw ay handa nang burahin ni Arnell sa celfone niya ang mga numero ni Suzuki – lalo sa kanyang puso kung ito ang gusto ng mga taong nakapaligid sa hunk actor. ‘Yun na!
SOBRANG HAPPY TALAGA kami sa in-demand na comedian na si Shalala. After naming ibinalita na nakabili na ito ng Toyota Innova, pinag iisipan na raw nitong bumili ng lupa’t bahay. Pero hindi pa man nagtatagal, nakahanap na pala ito na nagkakahalaga ng P3-M! Mala-mansion daw ito somewhere in Quezon City.
Ayon pa sa aming source, nakapag-down na si Shalala at huhulug-hulugan na lang daw nito ang balanse. Pero bago raw ito tirahan ni Shalala, may mga gusto muna itong i-paayos sa bahay. Kapag naayos na saka raw bibili si Shalala ng mga bagong kasangkapan at lilipat. Kaya naman pala talagang subsob sa trabaho ngayon ang TV host-comedian dahil gusto na raw nitong mabayaran nang buo ang house and lot. Kabog!
HINDI PA MAN nagsisimulang umere ang ‘Nega’, este, Nita Neg-rita ay negang-nega na ang dating nito dahil sa ginawang pagpapatanggal ng mga starlet na lead actors ng nasabing show na sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.
Ito ba ang klase ng imahe na ipinu-project ng BNY Apparel, kunsaan image model si Barbie, para sa mga kabataang tumatangkilik sa kanilang produkto? Isang young star na masama ang ugali at nananapak ng ibang tao na taliwas sa kanyang ginagampanan sa telebis-yon?
May mga nagsasabing kung gaano raw kaitim ang kulay na ginagampanan ni Barbie sa ‘Nega Nigrita’, gano’n din kaitim ang budhi nito! Kaya naman daw kahit bait-baitan ang role na ginagampanan niya sa nasabing serye, mistulang kontrabida pa rin ito, pati na ang kanyang equally malditong ka-loveteam na si Joshua, sa mata ng mga tao.
Kunsabagay, hindi naman natin masisisi ang sambayanan kung magalit at isumpa ang dalawang startlet na ito, dahil sa sama ng ugali ng mga ito na kayang manakit ng damdamin at managasa ng ibang tao para sa pansariling kapakanan.
HOMOPHOBIC MAN ANG role na ginagampanan ng isa sa cast ng I Heart You Pare na si Kevin Santos, hindi naman daw siya ganoon sa totoong buhay lalo na’t sa showbiz daw ay maraming bading.
Tsika pa ni Kevin, may mga kaibigan siyang bading at mabait daw ang mga ito sa kanya. Nani- niwala pa ito na maraming mga bading na sobrang talented. Like sa showbiz daw, mula sa produ-cer, entertainment writer, executive producers, talent managers, writers, designers, stylists, talent coordinators hangang personal assistant ay marami ang gay.
Bukod sa very friendly at masayang kasama raw ang mga bading. Kaya naman daw malayo sa totoong buhay ang kanyang ginagampanang role sa bagong teleserye ng GMA-7. At kahit minsan daw ay hindi siya nainis sa mga bading.
John’s Point
by John Fontanilla