Sey ni DJ Mo Twister: Happy Yipee Yehey parang Pipitsuging X-mas Party!

BA’T GANO’N? MAG-TWEET kami nang wala naman kaming binabanggit na name, ni hindi rin naman pa-blind item, nagre-react na agad ‘yung ibang fans. Idol daw nila ang tinutukoy namin.

Ha? Gano’n na ba sila kapraning? Angkinin ba ang “tweet” namin na wala namang pangalan? Ni wala ngang clue, kungdi nagbibigay lang kami ng insights at inspirational kembular na tweets, aakuing idol na nila ang pinari-ringgan namin?

Naikuwento nga namin ito sa aming kaibigan, eh. Ang sabi nito: “Gano’n na sila kapraning sa ‘yo, Ogs. And you should be proud of yourself, dahil naaapektuhan mo sila.

“’Yun iba nga, kahit anong pantitira pa ang gawin sa kolum nila, kahit sa TV, hindi nagke-create ng OA na reaksiyon. Kasi nga, sanay na ang mga tao na pinanonood silang tira na lang nang tira.”

Gano’n ba ‘yon? Ituturing ba naming compliment ito sa aming trabaho bilang isang manunulat?

Hmph! O sige na nga, bato-bato sa langit, ang tamaan, sabi nga ni Mike Enriquez, “Bukoool!”

DINUKOT NAMIN ANG tweet ng pina-follow naming si DJ Mo Twister: “Watching Happy Yipee Yehey, it has the production value of a small company Xmas party. It sucks.”

So nanood pala ng new noontime show ng ABS-CBN si DJ Mo Twister? Okay lang ‘to. Kani-kanyang opinyon lang naman ‘yan, eh. ‘Yan ang personal na tingin ni Mo, naiintindihan namin.

Kaso, sa iba, siyempre, may malisya, dahil involved siya’t segment host ng Willing-Willie. Mas bongga siguro kung wala siyang kinalaman sa Willing-Willie.

Gano’n naman sa umpisa ang bawat show. Nangangapa. Hindi naman agad perfect ‘yan. Parang Willing-Willie rin. Hindi naman ito nag-umpisang perfect na, ‘di ba?

But at the end of the day, ang laging tanong naman diyan: a-ling show ang mas pinanood ng mga tao, Willing-Willie ba o ang Happy, Yipee, Yehey!?

MAY NAGTSIKA NAMAN sa amin. Kaya raw hindi masyadong pinapasukan ng commercials ang isang show ay dahil ang rason ng iba ay walang point para pumasok ang commercials sa naturang show.

“Pa’no papasok ang commercials, eh bugbog sarado ang mga artista sa kanila. Eh, karamihan ng artistang binubugbog nila, product endorsers, kaya ang labo silang pasukan.

“Can you imagine, ilalabas ‘yung commercial, tapos, sa show naman nila, tinitira nila ‘yung endorser ng produkto? Pa’no pa mapo-promote ‘yung pro-duct?”

Eh, hindi naman ‘yung produkto ang tinitira, eh. Pa’no ‘yon?

“Kahit na. If that’s the flow of their show, wala naman kaming magagawa. Basta aalagaan namin ang product namin at ang endorser namin.”

Kung minsan, sa buhay talaga, merong compromise na tinatawag. Depende na lang kung ang mga involved sa show ay “makikipag-compromise” o tuloy pa rin sila sa format ng kani-lang show.

Sa isang TV show, hindi lang ang viewers ang importante o ang dapat pasayahin. Dapat ding isaalang-alang ang “pagkita” ng TV station para humaba ang buhay ng show.

KUNG WALA KAYONG magawa, ha? Try n’yong bisitahin ang a-ming blog sa http://www.ogiediaz.blogspot.com, ha? At kung feeling n’yo, wala namang kapararakan ang pinagsususulat namin doon, dedmahin n’yo na. Kung nataypan n’yo naman, mag-follow na kayo at mag-leave ng comment. Masarap ding mabasa ang inyong pananaw o opinyon sa buhay.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleLOVI POE, MAS PINASISIKAT NG MGA KONTROBERSIYA!
Next articleMAY-I-WAIT SI BOY KAY GIRL… ERICH GONZALES AT ENRIQUE GIL, MAGSYOTA TALAGA?!

No posts to display