FIFTY YEARS OLD na ang world class singer na si Dulce noong July 22, 2011, at very fitting lang na magkaroon siya ng isang espesyal na 50th birthday solo concert entitled La Dulce Diva sa August 27, 2011 sa Music Museum, Greenhills, San Juan.
Ito ang say ng concert producer na si Ms. Jo Arboleda nang humarap sila sa media kamakailan lang, kasama si Dulce at ang musical director ng concert na si Mel Villena.
Directed by Kokoy Jimenez, special guests sa La Dulce Diva concert niyang ito sina Ms. Pilita Corrales at Jed Madela, at may sagot si Dulce kung bakit sina Pilita at Jed ang kanyang mga panauhin.
Sey ni Dulce, “Importante kasi ‘yung guests na merong connect sa puso mo. Mas mahalaga ‘yung ano ba ‘yung relasyon nila sa buhay mo?
“Si Pilita kasi, ever since, siya na ang idolo mo eh, ‘yung talagang lumalaki ka, siyempre, siya ang naririnig mo, plus the fact na siyempre, she’s also a Cebuana.
“Noong nagsisimula ako, medyo may influence sa akin ‘yung style ni Pilita. And later on naman, natutunan kong i-develop ang sarili ko. Mahal ako niyan, very supportive sa akin.
“Si Jed Madela naman, ever since magsimula ang batang ‘yan, maski noong hindi pa siya nananalo sa WCOPA, nakitaan ko na talaga siya ng potential.
“Humanga na talaga ako sa kanya. Napakabait niya.”
Itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na “biritera” na Pinoy singer, sino ang masa-sabi niyang magaling sa current generation of singers?
“The younger one na hindi talaga masyadong bagets is Bituin Escalante.
“Si Bituin kasi, buo ang boses, soulful. Luka-luka rin ang taong ‘yan eh. So, talagang marami pa siyang maibibigay pa.”
Ano ang masasabi niya kina Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, at Angeline Quinto?
“Siguro, kapag hindi na sila masyado sikat, made-develop nila’ng sarili nila.
“Because, mapo-focus na nila ang sarili nilang gifts. Kasi ngayon, pare-parehong tunog.
“’Yun nga lang, kung ano lang ‘yung naririnig mo palagi, ‘yun lang ang maibubuga nila. Kaya nga sabi ko, kung wala ang lahat ng mga elementong ito na nagagamit mo, mas maririnig mo ang sarili mo, eh.
“When I said na ‘yung mas made-develop ang mga batang ito. I’m not saying in a negative way, hindi naman sa nang-aasar ako. No! Ang gagaling ng mga batang ito. In fact, they have more that we used to have.
“Kaya nga lang, sabi ko nga, kung mas maririnig nila ang sarili nila, mas meron pa sila… Like si Sarah, meron pa siya… Si Rachelle Ann, meron rin…
“Si Angeline, ‘yung mga jingle niya sa DZMM… ‘Yun, mahaba-haba pa rin ang ta-takbuhin niya. Actually, maraming magagaling na mga singers ngayon.”
GAGANAPIN ANG STRIPPED, isang All-Star Hunks Tour ng The Hotmen, ang hunk indie actor na si Johnron Tañada, at si Daiana Menezes sa August 18, 2011 (Thursday) sa The Library Comedy Bar, # 1739 M. Orosa St., Malate, Manila.
Mula sa Red Tag Marketing Group, Inc. ang Stripped ay first of its kind at tipong Pinoy Chippendales ang concept ng show, kunsaan ang gorgeous hunks ay siguradong “magpapainit” sa gay and female audience sa kanilang seductive production numbers and sexy outfits.
Ang Hotmen ay all-male sing-and-dance group composed of sexy, daring, young men Kenneth Paul Salva, Jake Mendoza, Mark William Yap, Jhonmark Marcia, Danniel Deramayo, Jordan Jordico.
Si Johnron Tañada ay ang most well-known member ng Viva’s Men of Provoq. Nakalabas na siya sa indie films like Kambyo, Lovebirds, and the soon-to-be-released Kape Barako at Kubli.
For tickets, pls contact Rex at 0917-8601962.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro