HINDI NAMIN MAINTINDIHAN kung bakit may ibang thrill sa amin nang muli naming makapanayam si Rio Locsin sa ABS-CBN compound kamakailan nang ganapin ang pictorial doon ng Kambal sa Uma.
Yes, gagawa ng remake ang Kapamilya network sa isa sa cult classics noong ’70s na lalong nagpasikat kay Rio, na during that time, nasa peak ng kanyang career as a bold star.
Si Rio, na kahit aware na kaming bading kami noong dose anyos kami, nakipila kami sa Grand Theater sa Cubao para panoorin ang Disgrasyada. Kasi, gandang-ganda kami kay Rio. Napaka-sensual niya bilang aktres at naramdaman na namin, kahit gaano kami kabata, na magtatagal siya bilang aktres.
“Ang feeling ko ngayong gumagawa ng remake ang Dos ng Kambal sa Uma, siguro nga, maganda ‘yung nagawa naming ‘yun para magkainteres sila uli,” sabi pa ni Rio.
Mapapanood na ito ng mga kabataan, starring the brightest young stars today, sina Melissa Ricks at Shaina Magdayao, na gumaganap bilang fraternal twins na siyang main characters ng Kambal sa Uma.
“Lately, hindi ko pa napapanood ‘yung original version namin. Gusto ko ngang panoorin. Nagyayaya ang ibang members ng cast, panoorin daw naming sabay-sabay,” thrilled na sabi ni Ogie (palayaw ni Rio).
Tandang-tanda ni Rio, at that time, para sa pelikulang ‘yun, nagtatakbo siya sa Session Road na naka-costume bilang daga.
“Nakapaa lang ako, wearing that daga outfit,” tawa nang tawa si Ogie. “Sa Burnham Park din sa Baguio, naglalakad ako na ganoon ang gayak ko, eh, nakakahiya! May balahibo at buntot na may tenga pa, hindi nila alam na may shooting. Nagugulat ‘yung mga tao kasi hindi nila ako agad napansin.
“Nasa loob ako ng kotse, sinabihan lang ako na lumabas at magtatakbo, kukunan na ako ng eksena. Siyempre, nagulat ‘yung mga tao. Hindi sila aware na shooting na ‘yun,” kuwento pa ni Rio.
After more than thirty years, may kung anong nostalgic feeling sa amin na makausap muli si Rio, up-close. Bihira namin siyang ma-interview. The first one was during a taping of a teleserye (“Marinella”). Years ago pa ‘yun, at kailan lang uli namin siya nakita.
Sa mga kabataan ngayon, Rio was one of the most acclaimed sex goddesses of all time. Linggo-linggo noon, may ipinapalabas siyang pelikula at halos lahat ‘yun, napanood namin: Waikiki, Stepsisters, Iskandalosa, Riza Jones: Showgirl, Love Affair, City After Dark, at marami pang iba, and most of them are big blockbusters at the tills.
TUNGKOL ITO SA masamang ugali ni matinee idol. Sa kabila ng paghanga sa kanya ng maraming kabataan dahil isa nga siya sa pinakasikat ngayon, well, nagtatago sa maamo niyang mukha ang hindi kagandahang asal.
Lumabas mula sa isang bar sa Quezon City pagkatapos mag-happy-happy ang young actor na ito, siyempre, nilapitan ng vendor doon na nagbebenta ng roses. Inalok ang young actor, pero ang sabi nito sa bata sabay-singhal, “Wala akong girlfriend! Wala akong pera!”
Wish lang namin na naroroon ang isa sa Parazzi photogs para makunan ng larawan ang pagsinghal-singhal ng bagets actor sa pobreng batang nag-aalok lang naman ng rosas para maibenta.
Ang bagets actor na ito ay nali-link sa kung sinu-sinong girlalu sa showbiz. Hindi kaya alam ng mga babaeng nahuhumaling sa kanya na may hindi kagandahang ugali ang epal na ito?
Calm Ever
Archie de Calma