NANALO ng Best Actress in a Supporting Role ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao para sa pelikulang ‘Tagpuan‘, na itinanghal din na 3rd Best Picture sa katatapos lang na 2020 Metro Manila Film Festival o MMFF.
Matagal-tagal na rin hindi napapanood si Shaina sa isang pelikula kaya naman para sa mga fans ng dalaga, isang magandang Christmas treat ito. She played the role of Tanya, isang Hongkong-based Filipina-Chinese na tila naliligaw ang landas. Liberated and outspoken, ibang-iba ito sa usual roles na ginagampanan niya.
Sa pelikulang ito ay ipinakita niya na hindi pa rin kumukupas ang kanyang galing. Starting as a child star sa GMA-7 sa pamamagitan ng primetime drama show na ‘Lyra’ noong late 90’s, nagtransition si Shaina into a teen actress nang lumipat sa ABS-CBN hanggang sa maging matured actress na ito.
Ayon sa kasama kong nakanood ng Tagpuan, mas maganda raw sana kung sa karakter niya bilang Tanya o Mercy nagpokus ang istorya, na para sa kanya ay mas interesting kaysa sa backstories ng lead characters (Alfred Vargas and Iza Calzado).
Sa pagkapanalo ni Shaina Magdayao ng kanyang Best Actress in a Supporting Role noong nakaraang MMFF Awards Night, siguradong marami ang muling naka-appreciate sa galing ng aktres. Kasalukuyang kasama pa rin si Shaina sa walang kamatayang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Ang wish namin soon ay makagawa na ito ng teleserye. Hmmm.. what about a reunion project with her Asintado sister Julia Montes? Coco, baka naman? Ha-ha-ha!
Extended hanggang January 14 ang Tagpuan sa Upstream.PH. Nood na!