EXCITED NA ANG young actor na si Hiro Magalona sa pagpasok nito sa numero unong teen show sa telebisyon ngayon na napapanood tuwing Linggo pagkatapos ng Party Pilipinas, ang Tween Hearts.
Ayon sa pamangkin ni Francis M. at 2010 Olive C Campus Model, ito raw ang magsisilbing kauna-unahan niyang malaking regular show na aarte siya simula nang pumirma siya ng network contract sa GMA-7, kaya naman daw very thankful siya kay Ms. Annette Gozon at Ms. Lilybeth Resonable sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na mapabilang sa Tween Hearts.
Bago raw ito pumirma sa GMA-7 ni-request ni Hiro kay Ms. Annette ang mapasama sa Tween Hearts, kaya naman daw happy ito dahil sa wakas ay papasok na rin ang kanyang character sa nasabing show. Bukod sa Tween Hearts, regular ding napapanood si Hiro sa Walang Tulugan with the Master Showman, bilang isa sa teen co-hosts ni Kuya Germs, at napapakinggan din ito sa DZBB every Friday bilang co-host ni Kuya Germs. Nakatakda ring gumawa ng 16 movies si Hiro sa Regal Films, kung saan nag sign ito ng 4-year contract. Isa rin si Hiro sa endorser ng Skin Central na pag-aari nina Kim Ilarde at Tin.
BONGGA ANG SUMISIKAT na host/ comedian na si Shalala, dahil sa maikling panahon simula nang pumaimbulog ang kanyang showbiz career ay nakabili na ito ng isang 2005 Toyota Innova. Ayon kay Shalala, ito raw ang katas ng kanyang kinita sa loob ng five months, kaya naman daw masayang-masaya siya dahil matagal-tagal na raw niyang pa-ngarap na magkaroon ng sasakyan.
After daw ng sasakyan, bahay naman daw ang isusunod ni Shalala, hindi lang para sa kanya, kundi para na rin sa kanyang buong pamilya. Wish nga raw nito na sana raw, magtuloy-tuloy ang su-werteng dumikit sa kanya ng 2010 ngayong 2011, para matupad ang lahat ng kanyang pinapangarap para sa kanyang pamilya.
Bukod sa kanyang regular show na Juicy, at semi-regular show na Talentadong Pinoy, magkakaroon din daw ito ng dalawa pang bagong shows sa TV5 at sariling radio program sa Radyo5 simula sa Pebrero. ‘Yun na!
MAY ISANG MALL na matatagpuan sa No. 616 Rizal Ave., Sta Cruz, Manila ang sagot sa mga Pinoy na gustong pumorma at gayahin ang suot ng kani-kanilang fave young stars ‘di lang sa bansa kundi maging sa ibang bansa na hindi afford ang mamahaling damit.
Dahil sa Urban Behavior, lahat ng paninda ay mura at very affordable pero mataas ang quality ng bawat pro-dukto mula sa mga very fa-shionable clothes, shoes, bags, atbp. Kaya naman kung gusto mong tularan ang magarbo at fashionable na pananamit ng iyong hinahangaang artista, go ka na sa nasabing store, kung saan lahat ng tinda ay mura. Abangan din ang paglulunsad nila ngayong taon ng kanilang magiging kauna-unahang celebrity image model na isang guwapo at sikat na young actor mula sa isang malaking TV network, na napapanood sa isang sikat na teen show sa bansa. ‘Yun na!
John’s Point
by John Fontanilla