HINDI RAW maipaliwanag ni Shalala ang kanyang nararamdaman dahil at last ay natuloy na rin ang pelikulang kanyang pagbibidahan under the helm of award-winning director Joven Tan na mula rin sa produksiyon nito, ang Echoserang Frog.
Tsika pa ni Shalala, “Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Katulad bukas, second day shooting namin, parang iba ang timpla ng pakiramdam ko, parang ‘di ko maihakbang ang mga paa ko.
“Nakaka-tense, isip ako nang isip kung totoo na ba ito? Kasi dati, pinaplano pa lang, kumbaga usap-usapan pa lang na magkaka-movie ako, pero ‘eto ngayon, ‘eto na! Nakakaloka!
“Hindi nga ako makatulog sa sobrang excitement dahil ni minsan hindi ko pinangarap na magkaroon ng solo movie. ‘Yung sa akin, kahit kasama lang ako sa pelikula, masaya na ako du’n.
“Akala ko nga hindi na ito matutuloy, kasi medyo matagal-tagal na rin, tsaka wala na aking naririnig tungkol sa movie. Hangang sabihin nga sa akin ng manager ko na si Noel Ferrer na tuloy na tuloy na ‘yung movie.
“Akala ko nga, nagbibiro lang siya. Pero totoo na pala at hindi echos lang, hahaha!”
Anong role mo sa Echoserang Frog? “‘Yung role ko bale rito kung ano ako bilang si Shalala, ‘yun ang mapapanood nila sa akin. Pero ‘yung istorya nito ay tungkol sa isang tao na nangangarap na magkaroon ng sariling pelikula, tapos nangutang ako ng P100,000 para sa gagamitin sa movie. Tapos audition dito ng talents at kung anu-ano pa, hanggang sa naubos ang pera na inutang ko. Basta maganda ‘yung twist ng pelikulang ito, riot sa katatawanan at siyempre may aral.
“Napagkalaman kasi ako ritong tagapagmana ng milyones, pero at the end, malalaman na hindi pala ako ‘yun kundi ibang tao. Kumbaga, echos lang. Kaya ang ending, nganga.”
Wish nga ni Shalala na sana raw ay kumita ang kanyang first solo movie nang sa ganu’n ay masundan pa raw ito ng pangalawa, pangatlo at pang-apat.
MULA RAW nang maipalabas at maging usap-usapan ang kanilang soap na My Husband’s Lover, nararamdaman daw ni Tom Rodriguez na everytime na magkasama sila ni Dennis Trillo ay maraming kinikilig na tao sa kanilang paligid na kanilang ikinagugulat.
“Sa akin po, sobrang naninibago ako, besides ‘yung sinalihan kong reality show dati, hindi ko naramdaman ‘yung ganitong klaseng pagtanggap ng mga tao, ‘yung ganitong klaseng reaksiyon na everytime na makikita ka nila, magtitilian sila. Masarap ‘yung feeling, nakaka-overwhelm, hindi ko ma-explain.”
Anong mensahe n’yo sa viewers ng MHL? “Nagpapasalamat ako nang marami sa mga sumusuporta ng MHL na talaga pong ginagawa namin , kumbaga pagtatrabaho at paghihirap, na mapaganda ‘yung show namin para sa inyo pong lahat ‘yan. Nagpapasalamat kami dahil kung wala kayo ay hindi magiging maganda ang resulta ng show namin. Kayo po ang nagpapaandar ng show namin sa mga Twitter, sa radio, kayo po ang may gawa nu’n. Kaya maraming, maraming salamat. Sana patuloy n’yo kaming suportahan.”
‘DI MABILANG sa dami ng taong dumalo sa katatapos na SM Rosario, Cavite mall show ng tinitilian at isa ring Internet Sensation, ang grupong UPGRADE na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Armond Bernas , Raymond Tay, Mark Baracael, Ron Galang, Rhem Enjavi at Miggy San Pablo.
Nandu’n kami at nasaksihan kung papaano dumugin ang show ng mga nagguguwapuhang bagets na ito, kung saan pagbaba pa lang ng kanilang service van ay dinumog na ang mga ito at kinakailangan ng maraming security guard para mailagay sila sa dressing room.
At nang magsimula na ang show ay sobrang nakakabingi ang lakas ng hiyawan ng kanilang mga tagahanga na ang iba ay nagmula pa sa Olongapo, Pampanga, Bulacan, Quezon, Manila, Pasig, Quezon City, Mandaluyong, atbp. dala-dala ang kani-kanilang tarpaulin ng buong grupo at solo picture ng UPGRADE.
Nakita rin namin ang ilang kabataan na nag-iiyakan dahil hindi man lamang nagawang makalapit sa grupo dahil na rin sa dami ng tao at higpit na rin ng security guards dito na para na rin sa proteksiyon ng bawat miyembro ng UPGRADE.
Hindi nga naiwasang masabunutan, makalmot , mahipuan at mahilahan ng damit ang bawat miyembro ng UPGRADE sa kanilang wild fans na gusto lamang silang mahawakan.
After ng matagumpay na show ng mga ito sa SM Rosario, nakatakda naman silang mag-show sa SM TayTay sa June 29 (Saturday) ng 4pm at sa gabi naman ay sa Walang Tulugan with the Mastershowman, kung saan regular silang napapanood.
John’s Point
by John Fontanilla