MASINOP ANG host/comedian na si Shalala na ang kinikita ay inilalaan niya sa mga makabuluhang bagay katulad ng pagpapatayo ng bahay para sa kanya at sa kanyang mga kapatid, pagbili ng sasakyan at ngayon nga ay ang pagkakaroon ng isang mini-grocery.
Kaya naman daw nasasaktan si Shalala sa kapag naiisyu siyang naglulustay ng salapi para sa isang lalaki . Tsika nga ng lead actor ng pelikulang Echoserang Frog na ipalalabas sa April 2 sa mga sinehan na, “Isang rason din kaya nagtayo na ako ng business kasi para mawala na ‘yung tsika na inuubos ko sa lalaki ‘yung kinikita ko.
“Although matagal na siya at tsismis lang ‘yun, dinamdam ko ‘yun kasi hindi naman talaga totoo. Pero ngayon, alam kong titigil na rin ‘yun mga ganu’ng issue lalo na’t nakita naman nila kung saan ko dinadala ang pera ko.
“Nu’ng una bumili kao ng sarili kong sasakyan, tapos pinagawa ko ‘yung bahay namin, at ngayon naman nagbukas ako ng negosyo. So, makikita nila na rito ko dinadala ‘yung mga kinikita ko.”
Ayaw na lang daw intindihin ni Shalala ang mga malisyosong balitang ikinakabit sa kanyang pangalan.
“Sabi ko nga nahehurt ako sa mga ganu’ng tsika na para bang napakabilis ka nilang husgahan. Pero habang tumatagal, tinatanggap ko na lang sa sarili ko na alam naman ng mga malalapit sa akin na hindi ito totoo, kaya deadma na lang.
“At saka sa sarili ko, alam ko ang totoo, ‘yun na lang ang mahalaga. Itsismis na lang nila ako nang itsismis para may libre akong publicity. Hahaha! Joke lang.
“Dinadaan ko na lang sa dasal at subsob sa trabaho. Hindi ko na lang ini-entertain ‘yung ganu’n. Although minsan, ‘pag may nagtatanong sa akin, nalulungkot ako. Pero alam ko naman kasi na mawawala rin ‘yung ganu’ng issue ‘pag nakita nilang hindi mo sila pinapatulan o pinapansin. Kaya nga naniniwala ako na bad publicity is still publicity,” pagtatapos ni Shalala.
NALULUNGKOT ANG young actor na si Kristoffer Martin sa pagtatapos ng kanilang soap ni Kim Rodriguez na Paraiso Ko’y Ikaw. Mami-miss daw ni Ton (palayaw ng actor) ang kanyang co-stars like ex niyang si Joyce Ching at Kim Rodriguezat buong staff and crew ng nasabing soap at iba pang artistang kasama rito.
Happy nga raw ito at nakatrabaho niya si Direk BB. Joyce Bernal, dahil mabait at marami raw siyang natutunan dito, bukod pa sa napakahusay daw nitong director. Wish daw ni Ton na mabigyan siya ulit ng panibagong trabaho ng GMA 7 lalo na’t magsa-summer na at wala na siyang pasok sa eskuwela.
VERY SUCCESSFUL ang naging show ng Tween Star na si Teejay Marquez na ginanap sa Starmall, San Jose, Bulacan na dinumog ng ‘di mabilang na tao na gusto siyang makita in person, makamayan, makapagpalitrato at magkaroon ng authograph ng isa sa most sought after na commercial model.
Nag-enjoy ang mga pumunta sa sa said show ni Teejay na nakisayaw, nakikanta at sumali sa mga games na hatid ng Starmall, San Jose, Bulacan at ng Unisilvertime.
Kaya naman sa mga gustong makita in person si Teejay, nakatakda itong magkaroon ng Meet & Greet sa Starmall Edsa-Shaw sa March 29, ng 4 pm.
John’s Point
by John Fontanilla