NAGDIWANG NG kanyang 52nd birthday ang mahusay at isa sa itinuturing naming malapit at tunay na kaibigan sa industriya na si Shalala at simple lang ang wish nito sa kanyang kaarawan, ang magkaroon ng malusog at magandang pangangatawan para makaiwas sa sakit.
Kuwento nga ni Shalala nang makausap namin sa taping ng Game N Go All Stars, isinugod niya kanyang sarili, kasama ang kanyang bestfriend na si Rene ng PEP Salon, kamakailan sa isang ospital dahil sa hindi magandang nararamdaman sa katawan.
Hindi nga raw nito ipinaalam sa kanyang mga kabigan at pamilya ang nangyari sa kanya para ‘wag mag-alala ang mga ito. Isa lang daw ang sabi ng doktor kay Shalala, kailangan nito ng pahinga dahil overworked na ito at hindi na kinaya ng kanyang katawan ang sobra-sobrang pagtatrabaho.
Gustuhin man daw magpahinga ni Shalala, nanghihinayang ito sa mga proyektong duma-rating sa kanya at kailangan daw niyang magtrabaho nang magtrabaho para na rin matupad nito ang kanyang magagandang pangarap sa kanyang sarili at pamilya. Umiinom na lang daw siya ng mga gamot para panlaban sa sobrang pagod dala ng pagtatrabaho.
UNANG PELIKULA ni Rodjun Cruz ang I Luv U Pare Ko with Rocco Nacino na isang gay film. Pero ayon kay Rodjun, hindi naman daw big deal sa kanya kung gay film ang kanyang unang pelikula dahil ang mahalaga raw rito ay maganda ang kanyang role at quality film ang pelikulang ginawa.
“First time kong magkaroon ng movie, tapos ito ‘yung movie na ginawa ko. Masaya po, nag-enjoy ako dahil kakaiba siyang gay film, romantic na may comedy at drama. ‘Yung lahat ng tao, magpa-pamilya, magbabarkada, makaka-relate po sila.”
NEW GENERATION Klaudia Koronel ang taguri ngayon sa indie actress na si Honey Lopez ng pelikulang Kaniig, Bedmates ng Fortune Arts International and Sunflowers Films at mula sa direksyon ni GA Villafuerte. Dahil kung gaano katapang sa paghuhubad sa pelikula si Klaudia Koronel noong Seiko days nito, ganu’n din katapang sa pag-huhubad ni Honey, bukod pa sa magkahawig sila.
Kaya naman sa pelikula, walang takot na nag-all the way si Honey at kitang-kita ang kanyang buong katawan habang niroromansa ng baguhang indie star na si Ruby Dela Rosa sa isang eksena.
Kuwento nga ni Honey, “Pinasok ko ang trabahong ito, kaya kung ano ang ipagawa sa akin ng director at kailangan naman sa pelikula, hindi na ako magdadalawang-isip na gawin ito. Kung kaya nga ng iba na magpakita ng kanilang buong katawan like Rosanna Roces at Klaudia Koronel, kaya ko rin ‘yun, mas hihigitan ko pa.”
Kaya nga naman sa bagong pelikula nito, siguradong mabubusog ang mga kalalakihang manonood nito sa kung ilang beses ng pagpapakita ng kahubdan ni Honey. Bukod kay Honey, kasama rin sa said movie sina John Canterbury, Lawrence Manalo, Marco Ronquillo, John Fontanilla, Kahlel Urdaneta at Alvin Duckert.
PORMAL NANG nanumpa ang bagong halal na opisyales ng Philippine Movie Press Club (PMPC) noong Lunes, ika-21 ng Enero, 2013, sa Choi’s Palace, Eastwood. Si Senator Jinggoy Estrada ang nag-officiate ng oath-taking.
Ang bagong pamunuan ng PMPC ay pinamumunuan ni Pangulong Fernan de Guzman, Romel Galapon (Vice President), Rodel Fernando (Secretary), Mildred Bacud (Asst. Secretary), Boy Romero (Treasurer), John Fontanilla (Asst. Treasurer), Mel Navarro (Auditor), Sandy Es Mariano & William Reyes (PRO).
Ang Board of Directors ay kinabibilangan nina Roldan Castro, Letty Celi, Gerry Ocampo, Ernie Pecho, Rommel Placente at Veronica Samio.
Dinaluhan ito ng mga past president at members ng PMPC.
John’s Point
by John Fontanilla