KARANIWAN NATING naririnig ang phrase na “maximum tolerance” bilang direktiba sa mga kapulisan ng gobyerno sa gitna ng karahasang nagaganap sa mga malawakang kilos protesta.
Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakapagtitimpi ang mga alagad ng batas lalo’t kung nagiging bayolente na ang mga rallyista na idinadaan ang kanilang prinsipyong ipinaglalaban sa pambabato ng kung anuman ang madadampot sa kalsada.
Ikukunek lang namin ang paksang ito sa naging kolum ng kaibigang Cristy Fermin (hindi rito sa Pinoy Parazzi) patungkol sa kanyang kasamahan sa programang Ang Latest ng TV5, si Shalala. Kabisado ni Cristy ang karakas ni Shalala, palibhasa’y bumibilang na rin ng ilang taon ang kanilang working relationship na nagsimula sa Juicy.
Kung “quirks” lang marahil ang diperensiya ni Shalala, ilang beses nang pinalampas ni Cristy ang mga ‘yon. Pero kung ang pinag-uusapan na ay ang temper tantrums ng baklang host na ito na isang mala-paketeng naglalaman ng kaangasan, pagmumura, panlilibak sa pagkatao ng isang katrabaho at kawalan ng katwiran, kahit sinong tao whose stretch of patience is the mile-length of the Nile River ay bibigay rin.
Kilala at nakatrabaho namin noon sa Tweetbiz ang “recipient” ng “award” ni Shalala, siya si Check Ticsay, a PA (production assistant) who shuttles between his town in Pampanga and Manila. Si Check ang binungangaan lang naman ng baklang host (na wala namang ibang pakinabang sa Ang Latest kundi maghatid ng mga rehashed, recycled blind items na ikunukuwento lang din naman sa kanya).
Rumepeke ang wala yatang mumog na bunganga ni Shalala due to his unmet demands in the production. Bakit daw wala siyang sariling dressing room tulad ng mga co-host niyang sina Cristy at Congw. Lucy Torres-Gomez? Bakit din daw wala siyang sariling make-up artist (o baka naman he needs a mortician more than anyone else)? Bakit din daw wala siyang sariling upuan sa tuwing magkakainan na ang mga host?
Because of the absence of all this, ang pobreng PA ang pinagbalingan ni Shalala, minura-mura, nilait-lait. Ang nakalimutan yata ng baklang host na ito, Check is still reeling from the extent of damage dulot ng magkasunod na bagyong Gener at habagat which submerged their house in Pampanga.
Nag-sorry naman daw ang baklang host kay Check, but the harm has already been done. Check had to swallow Shalala’s insulting words hook, line and sinker. Sa puntong ‘yon, idinulog ng humahagulgol na si Check ang naturang verbal abuse sa kanyang Nanay Cristy.
As we go to press, hindi namin alam kung ano ang sanctions laban kay Shalala ng produksiyon, but someone in police uniform has to strike his head with a truncheon hard enough to regain his sanity… huwag ilusyunin ni Shalala na isa siyang sikat at magaling na TV host, ‘no!
KUNG TUTUUSIN, hindi na bago ang kuwento ng mga kabit, na karaniwang isinasabuhay ng mga batang babae na pumapatol sa mas may-edad na lalaking meron nang pananagutan sa buhay either for convenience or because of love — or both.
Its triteness, in fact, is synonymous with any Pinoy staple food served on the dining table that never fails to satisfy anyone’s palate even if its story is told many times over.
Despite the gasgas theme that revolves around the stereotype kabit who is into an illicit affair, binigyan ito ng kakaibang anyo at hugis ng forthcoming movie ng Star Cinema, ang The Mistress. Ingles man ang pamagat nito, but the characters played by John Lloyd Cruz and Bea Alonzo are immersed in a typical, precarious situation in local setting.
Aside from the Olive Lamasan-helmed movie that marks the 10th year of the Bea-Lloydie screen partnership, The Mistress serves as a mature test para sa tandem na ito in taking on role assignments they have never imagined.
Mas nagsilbing hamon ito kay Bea who, in real life, has not slipped into the shoes of a kabit, samantalang inamin naman ni John Lloyd that in his early 20s ay kumabit siya sa isang may-edad nang married woman.
While our society has become unfairly tolerant of such illicit affairs, isang malaking hamon para kay Direk Olive Lamasan na hanapan ng redeeming value ang mga naglipanang kabit sa ating paligid. Here’s hoping that The Mistress is not a tribute to glorify all the mistresses in the world.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III