OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! more chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka.
Sobra na, tama na, tigilan mo na ang pang-aapi sa mga kasamahan mo! ‘Eto na naman ako, sabi ko, hindi ako titigil sa mga kahunghangan na pinaggagawa ng mga kasamahan ko sa industriya. Kasi, iisa lang ang aming ginagalawan. Harap-harapang trayduran, ano ba ‘yan?!
Tulad nina Shalala at Cristy Fermin. Bilang nakatatanda sa kanila, may karapatan akong supilin ang mga kawalang-hiyaan nilang ginagawa. Look, magkasama sila sa station, bakit hindi na lang sila mag-usap. Nagkus, isusulat pa nila sa kanilang kolum para malaman ng mga tao ang kanilang kabulukan.
Tulad ng nabasa ko, tama ba namang ibandera ni Cristy ang “totoong” ugali ni Shalala? Sabi nito, si “Shalala ay reklamador, maangas, nuknukan ng yabang, masakit magsalita, binaha na nga ang staff pinagmumura pa, pati sekyu minura rin dahil ‘di raw siya kilala.”
‘Di ba kaplastikan ‘yung sabihin niya na “mahal namin si Shalala. Gusto naming magtagumpay bilang komedyante dahil nasaksihan namin ang maraming taong ipinagtrabaho niya sa Viva Films bilang tagapamahala ng promo ng kanilang pelikula. Ilang panahon din siyang sidekick ni Kuya Germs, ang tunay na naghawan ng daan para sa kanya sa mundo ng television, malaking tulong ang nagawa sa kanya ng TV host. Mahigit na dalawang taon na kaming magkasama ni Shalala ngayon sa TV5, sa haba ng panahong ‘yun ay napakarami naming tinanggap na reklamo laban sa kanya mula sa kasamahan naming mga artista, staff at maging mula sa utility ng produksyon, pero todo-pasa lang kami. Kinaya naming pakibagayan ang kanyang pagtataray, sumpong at kayaba-ngan, pero sa pagkakataong ito punum-puno na kami ay kinakalos din namin ang salop para siya ay paalalahanan at pangaralan.”
Okey, maganda ang layunin niya para kay Shalala pero bakit parang inilulubog niya sa putikan si Shalala. Look, magkakasama sila sa TV5, manong bilang nakatatanda sa grupo na magpatawag siya ng meeting at kausapin niya kaharap ang mga taong nabastos ni Shalala at maayos ang gusot.
Sabi nga ni Ate Ludz (Inday Badiday, RIP), na ‘pag may gusot may lusot, at antimano magkakaayos ang hindi pagkakaunawaan. Siguro naman tao lang si Shalala na marunong ding magpa-kumbaba at nakaiintindi ng pakiusap ng nakatatanda.
Kasi sa inasal nitong Cristy, parang siya ang walang urbanidad sa mga sinasabi niya kay Shalala. At kung nakaiintindi siya bilang nakaaalam diyan sa TV5, sinulatan dapat niya ang management at sinabi niya ang kanyang reklamo, hindi para ipagsigawan sa tabloid ang mga pagkakamali ni Shalala.
Ang mali sa ‘yo Cristy, nakikita mo ang pagkakamali ng iba, pero ikaw mismo, ang pagkakamali mo, hindi mo nakikita. Sana, last chance mo na ‘yang sa TV5, kasi wala ka nang mapupuntahan kung mawawala ka riyan. ‘Di ba tinanggal ka na sa lahat ng channel, mabuti may kumupkop pa sa iyo. Dapat magpakatino ka na at ‘wag kang traydor sa mga kasamahan mo.
Ang daming beses na, dati nu’ng kasama mo si DJ Mo Twister, puring puri mo. Nu’ng umalis, kung anu-anong nega ang sinasabi mo. Itong huli, si Ruffa Gutierrez. Sabi nga ni Annabelle Rama, wala kang utang na loob. Napatawad ka sa mga kaso mo sa kanya, ‘yan pa ang isusukli mo. At ang pinaka-latest ay ang hidwaan n’yo ni Nora Aunor na rito ko hindi mapapatawad si Nora, kaya naging Vilmanian na ako.
Kasi nu’ng mga nakaraang araw nu’ng nasa America pa si Nora, kung anu-ano ang mga negative na isinusulat nito kay Nora at John Rendez. At ang Nora nu’ng bumalik dito, nagpa-interview sa The Buzz kay Boy Abunda na kakastiguhin niya si Cristy. Anong nangyari? Si Nora pa ang nagpakumbaba para batiin ka. At nagyon kung purihin mo si Nora, puro ka kaplastikan. Kawawa naman ang mga taong lagi mong inaapi. Ngayon, sumagot ka, hinahamon kita bilang nakatatanda sa ‘yo sa lara-ngan ng tri-media. ‘Wag mong sabihin na walang permanenteng kaibigan sa showbiz kung hindi personal na interes lang, kasi ikaw ‘yan. ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding