Shalani Soledad, inuumaga sa gimikan?!

VALENZUELA CITY COUNCILOR and President Noynoy’s ex, Shalani Soledad, was seen at the pizza parlor along Morato Street at 4 a.m. last Saturday, and yes, right in the core of the gimikan strip in Kyusi.

Since para na rin siyang showbiz celebrity in a sense dahil ex nga siya ni P-Noy na kapatid naman ng president’s lovelife buster na si Kris Aquino (bukod pa sa kahawig niya si Sunshine Cruz), e, hindi maiwasang magbulungan at mag-tsismisan ang mga nakakita sa kanya kung bakit gising pa siya and very much alive sa oras kung saan malapit nang mag-hello ang weekend sunshine.

Heto ang mga suspicious questions na nakita namin sa mga bubble pop sa itaas ng mga ulo ng mga nag-uusi (as in, usisera) na mga kumakain.

Katatapos lang bang gumimik ni konsehala on a Friday night at nag-decide na kumain muna ng pizza bago umuwi? Or galing ba siya sa Times Street para makipag-settle at makipag-meeting sa nakatira ru’n at dahil five minutes away lang naman ang pizza parlor ay nag-decide na rin silang mag-snack ng kanyang mga kasama? Or nilalasap lang niya to-the-max ang pagiging single again kaya nasa Morato area siya at 4 a.m.?

Whatever the reason she had kung bakit nasa gimikan area si Konsehala at a very awkward time, e, ito lang ang aming masasabi.

Walang bahid ng kahit na anong puyat ang kanyang mukha dahil kahit malapit nang mag-umaga, e, very refreshing pa rin ang kanyang face na siguradong hindi mo pagsasawaang titigan, all day and all night, na parang unlimited promo lang sa mga cellphone networks.

Now, with all the superlatives na nakita namin physically sa aura ngayon ni Konsehala Shalani, we really wonder kung bakit hindi siya isinama ni P-Noy tungo sa “matuwid na landas”? Why nga kaya, ‘te Kris?

PARA SA MGA “Majanians” (supporters ni Maja Salvador), hindi na muna nila makikita ang kanilang idol na visible sa boob tube for a reason.

The whole month of November and December ay nakasara na ang schedule ni Maja para sa shooting ng Thelma, the latest project of Direk Paul Soriano, who also filmed the critically acclaimed A Journey Home.

Dapat sana, e, buong November lang ang ibinigay ni Maja pero nagbigay na rin siya ng konti pang adjustments sa date kung sakaling kailanganin pa siya at hindi matapos on time ang kanilang shooting.

Maja noted that talent fee is really not an issue for her lalo na’t gusto niya ang kanyang role, and in the case of Thelma, e, ang role ng isang athlete ang kanyang gagampanan, na isa sa kanyang mga dream roles.

She also believes na makatutulong sa kanya nang malaki ang Thelma as an actress in the real sense of the word at malamang ay makakuha na rin ng acting award with the help of Direk Paul.

‘Nga pala. Hindi kami masyadong techie in terms of film production pero Direk Paul stressed na ibang klaseng camera ang kanilang gagamitin sa pagsu-shoot na siguradong makapagpapabago raw sa trend ng indie filmmaking.

Hmmmm, ganu’n? Ano kayang pagbabago ang magaganap?

For reactions, please e-mail [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleAljur Abrenica, nagsugod ng waitress sa ospital!
Next articleMichelle, nag-bell?!

No posts to display