NAGING MALAKING ISSUE ang pagpasok ni Shalani Soledad bilang co-host ni Willie Revillame sa programang “Willing Willie” ng TV5 last Monday. Naging tulay si ‘Nay Cristy Fermin para namin ma-interview ang controversial TVhost/ actor sa radio program niyang Cristy Ferminute, 92.3FM, 4-6 p.m. with Richard Pinlac. Kanya-kanyang batuhan ng mga katanungan ang mga kapatid sa panulat.
Anong mayroon si Willie na napapaluha niya ang isang sambayanang Pilipino pati na rin ang mga bata? “Ang importante rito ‘yung sincerity mo kahit saan ka magpunta. Ako, bago ako lumabas humihingi ako ng parang guidance. Bahala na, sana’y mapasaya ko ang mga ito lalo na ‘yung may mga karamdaman… makapagbigay kami ng saya okey na. It’s always part of the show.”
How true, marami na raw kumukuha kay Shalani para maging endorsement ng kanilang produkto? “Totoo ‘yun kasi, noong malaman ng Uniliver at iba pang endorsements ng show, tinanong siyang talaga kung magiging co-host ko siya. May plano sila for her, napakasarap, ‘di ba?”
Kung dumating sa point na i-link kayo ni Shalani sa isa’t isa, paano mo siya proprotektahan? “Hindi ko iniisip ‘yan kasi ang iniisip namin ‘yung programa. Mahirap ding magsalita ng tapos, hindi mo masabi ang buhay. Puwede mong desisyunan kapag nandu’n na pero ngayon mahirap unahin ang buhay. You should respect Shalani, hindi naman porke kasama mo d’yan lahat puwede na…”
Ngayong si Shalani na ang co-host ni Willie, itutuloy pa rin kaya ni Willie ang pagkuha kay Venus Raj bilang another co-host niya sa programa? “Plano ko kasi, masa rin si Venus, may negotiation sila ni Boss Vic del Rosario pero may commitment pa siya sa Bb. Pilipinas. May mga schedule pa siya. Mahirap pilitin ang isang bagay. Pero if you notice, si Shalani walang plano. Just like that, tapos na, Monday ‘eto na siya. I think it’s God will. Sa ngayon mahirap makasama si Venus dahil mayroon pa siyang one year commitment.”
May kontrata ba si Shalani for the show? “Well, depende kay Shalani, it’s her call kung gusto niyang magkontrata for assurance. Alam mo, ang kontrata naman kapag ayaw mo, ayaw ng isa sa inyo parang bale wala rin. Kasi kung hindi ka na masaya, may kontrata nga ako sa ‘yo hindi na ako masaya, ano ang gagawin mo? Hindi mo ako pagtatrabahuhin, paano na ang buhay ko? We don’t talk about the budget, hindi namin pinag-usapan basta siya mismo ang sabi lang niya, bagay ba ako sa programa? Sabi ko, bagay na bagay ka sa programa.”
Magkakaroon ba ang Willing Willie na show abroad? “Ang Canada… naka-schedule kasi ‘yung international ng TV5 magsisimula ng January 2011. Mapapanood na tayo sa internet, magtu-tour muna kami ng Pilipinas. “’Yung hindi nakakapunta sa atin dadalhin na lang natin sa kanila,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield