SINUSULAT NAMIN ang artikulong ito ay gaganapin pa lang awards night ng 10th Cinema One Originals filmfest, na ongoing pa rin sa selected cinemas until Tuesday, November 18.
In our list, mahirap talunin si Shamaine Buencamino for her tour-de-force performance in Lorna bilang isang 60-year-old single mom at kanyang buhay pag-ibig at pagkabigo.
Pero hindi natin masasabi ang taste ng jury, at baka ibigay nila kay Angelica Panganiban for That Thing Called Tadhana, kunsaan lumabas ang pagka-natural na aktres ni Angelica.
Pero for sure, sa awards season next year (2015), imposibleng hindi mapansin ng award-giving bodies ang husay na ipinamalas ni Shamaine sa Lorna na hindi lang papaiyakin kundi papatawanin ka rin.
Isa si Shamaine sa underrated actresses sa industriya and for us, ang Lorna ang best performance niya to date, dahil kanyang-kanya ang pelikula na buong husay ring pinamahalaan ni Direk Sigrid Andrea Bernardo.
Si Direk Sigrid ay relatively new female filmmaker, ikawalang pelikula pa lamang niya ito, with Ang Huling Chacha Ni Anita as her first film last year (2013).
Pinapurihan din ng mga kritiko here and abroad. Naka-dalawang best supporting actress award na rito si Angel Aquino, one from Gawad Urian and one from PMPC Star Awards for Movies.
Gamay na gamay na ni Direk Sigrid ang mga pelikulang may temang pangkababaihan, mula sa short films na likha niya noong starting years niya sa Cinemalaya years ago.
For us, makakalaban ni Shamaine, so far, for best actress next year sina Nora Aunor (Dementia and/or Hustisya), Eula Valdes (Dagitab), Irma Adlawan (Edna).
Puwede ring mapansin for best actress next year sina Eugene Domingo (Barber’s Tales), Judy Ann Santos (T’yanak), and Angelica Panganiban (That Thing Called Tadhana).
Although hindi pa namin napapanood ang Mula Sa Kung Ano Ang Noon ni Lav Diaz, kaya ‘di kami makapag-comment sa performance dito ni Hazel Orencio.
Let’s see if “panlaban” din ni Zsa Zsa Padilla ang bago nitong movie na M. (Mother’s Maiden Name) na entry sa MMFF New Wave (indie section ng MMFF) ngayong Disyembre.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro