MAY NAKAUSAP kaming showbiz reporter at ikinuwento nito sa amin ang encounter niya with Miss Universe 2011 3rd runner-up na si Shamcey Supsup. Sabi niya, “Na-late lang kami ng dating nang kaunti sa kanyang presscon. So, ‘yung ibang TV crew ay nakapag-interview na sa kanya. Eh, ganu’n naman sa presscon, ‘di ba? Hindi naman lahat ay sabay-sabay na dumarating.”
Pagpatuloy pa nang aming source, “So, after ng question and answer portion, humirit kami ng one-on-one interview sa kanya para naman maikuwento niya ang tungkol sa kanyang bagong ini-endorso or kinakatawang asosasyon. Ang sabi ba naman sa amin, interview na naman, katatapos ko lang kanina, ah, interview na naman?”
Hindi na lang daw kumibo ang aming reporter friend. Pero ang sabi lang niya, ibang-iba talaga ang ugali nitong si Shamcey kay Venus Raj na super-friendly sa press.
Sana naman, hindi totoo ang lahat ng mga kuwento tungkol kay Shamcey. dahil nega naman ang dating nito sa publiko na sumuporta sa kanya sa kanyang laban sa Miss Universe.
AYON SA aming source, noong Miyerkules, December 14, pumirma na raw ng 3-year managerial contract si KC Concepcion sa Viva Artist Agency. Ito ay matapos daw na hindi na nag-renew ang mega daughter ng kontrata sa Star Magic.
Hindi pa available ang mga detalye tungkol sa pinirmahan ni KC, pero malinaw na siguro ang senaryo na posibleng makapagtrabaho ang dalaga sa TV5. In good terms kasi ang Viva sa Kapatid Network at si Boss Vic Del Rosario ay ang nagma-manage sa game show king na si Willie Revillame.
Nasa TV5 na rin si Gabby Concepcion at si Megastar Sharon Cuneta (na Viva talents din) kaya posibleng magkaroon ng project ang tatlo na tiyak nang inaaba-ngan ng marami.
ISANG MAGANDANG balita ang ipinarating sa amin ni Inay Jobert Sucaldito noong Martes ng gabi na ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ay graded A ng Cinema Evaluation Board. Ibig sabihin nito, sakto sa panlasa ng CEB ang takbo ng istorya, ang editing, ang mga conflicts sa movie at higit sa lahat pasado sa kanilang standards ang kabuuan ng pelikula.
Congrats kay Governor E.R. Ejercito at 100 percent tax-free ang kanyang pelikula. Wish naming tangkilikin ng mga manonood ang Asiong Salonga at kikita ito sa takilya. At sa lahat na rin ng entries sa MMFF 2011, na panoorin ng publiko bilang suporta sa Pista ng Pelikulang Pilipino.
NGAYONG NALALAPIT na pagtatapos ng taon, tiyak naming mga balita tungkol sa hiwalayan, awayan at paglisan ng mga artista ang pasok sa mga countdown. Sa palagay namin, mangu-nguna rito ang mga istorya nina KC Concepcion at Piolo Pascual, Ruffa Gutierrez-Shaina-Magdayao-John Lloyd Cruz issue, AJ Perez and Ramgen Revilla’s death at iba pang mga headliners ng showbiz sa 2011.
Sure na ‘to
By Arniel Serato