IPINANGANAK sa Sta. Cruz, Laguna ang 15-year-old Ireland’s Got Talent semifinalist na si Shaniah Llane Rollo who is now based in Ireland kasama ang kanyang parents.
Ayon kay Shaniah, first talent competition na sinalihan niya ang Ireland’s Got Talent. Hindi raw siya sumasali ng kahit anong contest dahil meron siyang stage freight at hindi pa masyadong confident sa kanyang sarili.
Kuwento niya, “Hindi ko naman in-expect po na makakasali ako sa Ireland’s Got Talent, in-audition na lang po ako ni Dad basta. Pag-uwi ko po na-surprise na lang ako na ni-register niya na po ako.
“May stage freight po ako at wala po talaga akong confidence mag-join po ng mga ganung competition. Pero when I joined Ireland’s Got Talent po, mas nag-improve pa po yung aking confidence.”
Ang kantang True Colors ni Cindy Lauper ang audition piece ni Shaniah sa IGT and after her angelic rendition of the song ay binigyan siya ng standing ovation ng mga judges.
“Hindi ko po ini-expect yon kasi napakasimple lang naman ng boses ko. Pero nakakatuwa po na na-appreciate nila yung talent ko,” reaksyon ng dalagita.
Isa sa mga hinahangaang singer ni Shaniah ay si Megastar Sharon Cuneta.
“Kami pong dalawa ni mom ko fan po kami ni Sharon Cuneta. Nanonood din po ako ng mga movies niya pati yung mga kanta niya nakikinig ako. Nai-inspired po talaga niya ako sobra sa singing career ko dahil sa mga movies niya po lalo na do’n sa Bituing Walang Ningning niya,” sambit pa niya.
Ni-request namin kay Shaniah na kantahin niya yung chorus part ng Bituing Walang Ningning at nagpaunlak naman siya. Napa-wow kami after niya itong kantahin dahil on pitch lahat ng notes, maganda ang dynamics, control at puno rin ito ng emosyon.
Ang iba pang musical influences niya ang mga international singers like Shaniah Twain, Ariana Grande, Billie Eilish, Jimin of BTS KPop, Michael Jackson, Mariah Carey, Celine Dion, Moira Dela Torre, Sam Concepcion and Yeng Constantino.
Shaniah is being managed by Rosabella Jao-Arriba na based naman sa Amerika.
Aniya, “Shaniah’s voice is meant to create a ripple effect in the music industry worldwide… her phenomenal talent is meant to be heard by everyone in the world. I’m simply here to help make that happen.”
Pansamantalang umuwi ng Pilipinas si Shaniah to do some recordings pero kinailangan agad niyang bumalik ng Ireland para ipagpatuloy doon ang kanyang education where she is currently flourishing as a consistent class achiever at St. Mary’s Secondary School in Glasnevin, Dublin.
Habang nag-aaral sa Ireland ay susubukan din ng Pinay singer ang kanyang luck sa Ireland bilang singer.
“Ang ganda po kasi ng education sa Ireland tapos when you finish your schools at nagtrabaho ka do’n mahal yung suweldo, kaya priority ko rin po yung studies ko. Pero habang nag-aaral, hindi ko naman po kakalimutan yung pangarap ko na maging singer. Kapag may opportunity doon, susubukan ko rin po,” wika pa niya.
Meanwhile, Shaniah is also part of Brightlights, isang grupo ng Filipino singers who are also champions in various singing competitions in Ireland.