TINANONG KO SI dating Pangulong Erap sa balita. ‘Di niya sinagot ngunit makahulugan ang kanyang ngiti. Sa halip: “Sisimulan next month ang weekly series ng aking mga pelikulang classics sa Channel 5. Nagkaayos na kami ni MVP.” Hindi ko sya nilubayan. “Ayaw mamatay ang balita. Patok kung totoo. Mother of all talk shows. At swak na swak sa darating na eleksyon.” Isa pang makabuluhang ngiti at saka medyo bumigay na: “May pag-uusap subalit wala pang definite.”
Sa totoo lang super excited din ako. Ang tambalang Sharon–Erap ay blockbuster at lalamunin ang lahat ng variety shows. Hindi lang dalubhasang aksyon at dramatic star si Erap, isa rin siyang exciting comedian. Sa isang pelikulang pinagtambalan nila ni Ai-Ai delas Alas, pinatunayan niya. May ilan din siyang comedy flicks katambal si Nora Aunor at Boots Anson-Roa at tumabo sa takilya. Subalit makakaalis kaya si Sharon sa Channel 2? Ano mang balakid, may lusot. Tsampiyon na tao si Erap. Parang puno ng niyog. Lahat ay usable.
PROF.MANING YAP
ANG HINAHANGAAN KONG college professor sa Lyceum of the Philippines ‘62 ay sumakabilang buhay na sa 79 edad. Nalulungkot ako. Malapit siya sa aking puso at buhay. Sa kanya ko nakita ang pagmamahal sa bayan nang walang pasubali at hangganan. Kung ‘di ko nabasa sa isang STAR columnist, ‘di nakaabot sa akin ang balita. Agad-agad kong tinext mga kaeskuwela kong minahal siya. Hanggang sa kanyang katandaan , hindi naglaho ang kanyang nationalistic advocacy. “Walang magmamahal sa ating bayan kundi tayo lang.” Paulit ulit niyang bigkas, halos walang kasawaan at katapusan. Siya yata ang last breed of our genuine and unbreakable nationalists. He fought a good fight. He won a race. Godspeed, Prof. Maning!
SAMUT-SAMOT
TUMULAK KAMAKAILAN ANG AKING mag-ina sa Europe para sa dalawang linggong pilgrimage tour. Makakabisita sa Portugal, Lourdes at St. Terese Shrine sa Italy. Iwan boy ako. Sa totoo, gusto kong sumama but may health reasons. Ang pilgrimage ay pangarap na ng aking maybahay simula dalaga pa siya. Salamat at nagkatotoo. Kagaya ng mga kapatid nating Muslim, ugali rin nating mag-pilgrimage sa Holy Land at iba’t iba pang sentro ng ating pana-nampalataya sa Europe at U.S. Ang pilgrimage ay life changing. At transforming. Nalungkot ako sa kanilang pag-alis, subalit nariyan naman ang aking dalawang apo para ako ay aliwin.
ANG PAGYAO NI Ka Roger, NPA spokesman, ay malaking dagok sa kilusang pula. Mahihirapan ang kilusang humanap ng kapalit. Kahit iba ang ipinaglalabang ideology, mahal ng maraming media si Ka Roger. Mabait, matalino at very accessible. Taos-puso at naniniwala siya sa kanyang pinaglalaban. Marahil dahil biktima siya ng bulok na sistema ng pamahalaan, o naligaw ng landas. Subalit iginagalang natin ang kanyang prinsipyong ipinaglalaban. Sumalangit nawa.
HABANG ANG KORAPSYON, pagsasamantala at paghihirap ay inaalipin ang milyon milyong Pilipino, hindi mapupuksa ang mga insurgency. Ito ang ugat. Kahit anong dami ng peace talks, mga ito ay walang kabuluhan. Tuwing pagpalit ng administrasyon, peace talks na walang pinatutunguhan.
BELATED HAPPY BIRTHDAY Fr. Jerry Orbos! Si Fr. Jerry ay namumukod sa kaparian. Mahigit nang dalawang dekadang naglilingkod bilang alagad ng Diyos. Dedicated, focused sa kanyang vision at misyon. Tinututukan niya ang kapakanan ng Filipino missionaries sa ibang bansa. Sa okasyon ng kanyang kaarawan (I forget his age), nagkaroon ng matagumpay na fund raising nakaraang linggo sa PICC. Mahigit na 2 milyon ang nalikom para sa mga missionaries. Maging committed at active Catholics tayo. Tulungan ang Catholic mission.
ANG PAGKABAGOT AY isang malubhang sakit ng pagtanda. Mga classmates kong super senior citizens ganito ang daing at reklamo. Payo ko, socialize, visit old friends and gain new ones, indulge in spiritual activities and projects for the poor. Ang mga sakit na kasama ng pagtanda ay ‘di maiiwasan. Walang medicines dito kundi positive attitude at spirituality. Talagang ganyan ang agos ng buhay. Ngayon ka, bukas ako. Mahalaga, nabuhay tayo nang may kahulugan sa ating sarili at sa kapwa. Remember may divine accounting. Ang naging buhay natin ay huhusgahan. Walang abogadong puwedeng magtanggol. No excuses or alibis. Ang Panginoon ay merciful subalit siya rin ay just. See you there!
Tuwing umaga binabasa ko obituary page sa mga pahayagan. Nakakalungkot kung may kaibigan at kakilala. Sabi ko sa ‘di ko alam na panahon, pangalan ko naman ang malalagay. Kapit sa Diyos! Never fear!
Quote of the week:
A moment with the Lord
Lord, remind me that the Eucharist is both a dine-in and take-out experience. Help me to love and live the Eucharist. Amen.
A moment with the Word
“Grow in the grace and knowledge of our Lord and save your Jesus Christ”.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez