Sharon Cuneta, ‘di dapat nakikialam sa pulitika

NGAYONG LUNES, JULY 26, nakatakdang magdesisyon si Senator Bong Revilla kung sino sa tatlong Senate Presidentiables ang kanyang iboboto.

It’s a toss among the three lawmakers: Senators Juan Ponce Enrile, Manny Villar and Kiko Pangilinan.

Sa nakaraang birthday party ng kaibigang Cristy Fermin, nilinaw ni Bong na hindi raw siya ang tinutukoy ni Kiko as the latter’s non-supporter. But as far as Kiko’s wife Sharon Cuneta is concerned, may binanggit siyang “Pareng Bong” at her recent presscon whose vote of confidence for her husband remains uncertain. Hindi raw tulad ni Senator Jinggoy Estrada, whom Sharon describes as “ibang klaseng kaibigan, hindi nababali ang commitment.”

Clearly, iba ang sinasabi ni Kiko sa sinasabi ni Sharon. Meron pa bang ibang “Pareng Bong” sa Senado, unless Sharon was referring to Bongbong Marcos?

It only boils down to a case na pagdating sa pulitika, walang kama-kamag-anak, even if the weight of kinship ang nais ipaglaban ni Sharon, Tito Sotto being “my pangalawang ama,” in her words (Tito Sen is married to Helen Gamboa who’s the sister of Sharon’s mom Elaine).

Kung kami kay Sharon, we will leave it up to the senators themselves. After all, iba naman ang mundo niya where she shines the brightest… kaya nga siya binansagang Megastar, ‘noh!

BLIND ITEM: GAANO katotoo na sakit ng ulo ng production staff ang isang female celebrity-turned-politician na ito? The subject in question maintains a daily show, isang nanalong kandidato in her native town whose running came by accident.

For a daily show, natural ang pagte-tape ng ilang episodes for the week. Kasado na siyempre ang script, ang guest lineup, ang catering service and just anything that comes with it. Kaso, once (or even on previous occasions) ay nag-report ang TV celeb na ito, sabay nag-abisong isang episode lang daw ang kanyang gagawin.

Natural, naloka ang buong staff! Wala itong choice kundi mag-ere ng replay dahil wala naman silang nakabangkong episode. How inconsiderate of her! Hindi ba niya alam – sa tagal pa man din niya sa programang ‘yon – na walang sahod ang staff ‘pag inire-replay ang naiere nang episode? Surely, she doesn’t mind losing her TF (talent fee), pero ang mga nagsipagod na staff all set to work, kasingyaman din ba niya?

Nagwagi lang bang (inexperienced) politician ang female TV host na ito to give herself the license to deprive her staff their means of livelihood?

What a bitter life!

WHO SAYS NA nakalimutan na ni Amy Perez ang acting now that she’s identified as the mediator of all mediators in TV5’s Face to Face? Special guest si Ate Amy (that’s how she’s fondly called) sa Moomoo and Me ngayong Huwebes 7:30-8:30 P.M. Will Ate Amy come face-to-face with the earthbound spirits this time? Abangan.

PERSONAL: HAPPY READING to our avid Pinoy Parazzi subscribers Arnel and Maricar Jayogue of Wizard Manpower Allied Services.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articlePinakain sa restaurant, saka iniwan: Cast at Production Staff ng teleserye, naisahan ng malditang aktres
Next articleJames Yap, Ingat na Ingat Ma-Involve sa Ibang Babae

No posts to display