MAY PROBLEMA BA sa relasyon nina Piolo Pascual at KC Concepcion ngayon? Just read between the lines sa interbyu ng TV Patrol sa nanay ni KC na si Sharon Cuneta. Pahayag ng Megastar sa lovelife ng anak, “I just want whoever it is who will be in my daughter‘s life would love and take care of her the way we would. Kasi hindi ko pinalaki ‘yan para i-take for granted lang o balewalain.”
At ang mensahe niya pa sa anak, “Kristina, Mama‘s here. Don‘t you forget, you‘re my daughter. We love you. We went through so much when you were little. You don‘t have to go through it yourself.”
NAGKAKAGULO RAW NGAYON sa kampo ng Superstar na si Nora Aunor? Ang siste, may mga gusto raw kumuha ng serbisyo ng prem-yadong aktres, pero nalilito raw ang mga ito kung sino ang talagang lalapitan para kausapin at kung sino ang may final say. Halimbawa, kung nakausap na nila si German ‘Kuya Germs’ Moreno at tumango na ito, kailangang hintayin pa rin daw ang go-signal naman ni Suzette Ranillo. Pati raw si Lala Aunor, ang nakababatang kapatid ng Superstar, ay isa na rin sa mga managers nito?
Sa pagkakaalam namin, Ate Guy has an exclusive TV contract sa TV5. At ang tanging napagbigyan naman ng premyadong aktres para sa pelikula ay si Gov. ER Ejercito para sa El Presidente. Pero kahit exclusive artist ng Kapatid ang Superstar ay willing naman daw silang ‘ipahiram’ ito. Ayon pa nga kay Percy Intalan, isa sa mga TV5 execs, masyadong mala-king artista ang isang Nora Aunor para ipagdamot nila. Kaya naman napagbigyan daw ng Singko ang The Buzz sa isang one-on-one interview ni Kuya Boy Abunda sa Superstar. Mapapanood na raw ito this Sunday. The King of Talk is a confessed true-blue Noranian.
Bakit pinayagan ng TV5 ang ABS-CBN na lumabas sa kanila si Ate Guy? It’s a win-win situation kasi. Tiyak na magiging maganda ang exposure ng Superstar sa interbyu ni Kuya Boy, at kahit hindi mag-promote si Ate Guy ng TV series niya sa TV5, e siguradong mas marami ang magkakainteres na panoorin ito after the interview.
FLOP ANG WAY Back Home? At kung kumita raw ito, hindi sa expectation ng Star Cinema na tatabo nang husto sa takilya. Parang ayaw na-ming maniwala. Dalawang beses na naming napanood ang movie dahil talagang nagustuhan namin ito. At sa dalawang pagkakataon na yon, e hindi naman ‘nilalangaw’ ang loob ng sinehan. And as of this writing, showing pa rin ito sa ilang sinehan ng SM.
Mahigpit ang SM Cinemas. Kapag talagang mahina ang isang pelikula, pinapalitan agad nila ito. Running on 2nd week (or 3rd week) na ang Way Back Home, kaya panoorin n’yo na!
Bore Me
by Erik Borromeo