SHARON CUNETA, ADIK SA HORROR MOVIES

Sharon Cuneta in ‘Kuwaresma’

AMINADO ang aktres na si Sharon Cuneta na napakahilig niya sa pelikulang kakatakutan.

Sa grand media conference para sa first horror film ng aktres na Kuwaresma under the direction of Erik Matti, naikuwento niya ang pagkakahumaling niya sa mga pelikulang nakakatakot.

Timing nga na sa kauna-unahang pagkakataon na nang dumating sa kanya ang offer ng Reality Entertainment, the fact na isang kakatakutan ang pelikula, na-capture na kaagad ng produksyon ang interest ni Sharon na noon pa man ay gusto na makatrabaho si Direk Erik.

Kuwento ni Sharon: “I met with Direk Erik and Reality Entertainment Dondon Monteverde and they pitched the project to me. 15 minutes into the meeting and I said yes na to them agad.  I fixed my schedules and in one month, nagsu-shooting na kami. Gusto ko rin kasi makatrabaho si Direk Erik. His mastery of the film language, especially the horror genre, cannot be questioned.”

Naenganyo ang aktres na makatrabaho si Direk Erik nang mapanood niya ang pelikula nito na Tiktik na bida si Dingdong Dantes.

Kuwento ni Sharon tungkol sa pagiging addict niya sa mga horror movies: “I’ve really been a horror fan since I was a little girl. I like ‘The Exorcist’ kasi I read the book, then watched the movie, and I know that its author based it on a true story.

“My other favorite is ‘The Omen’, the original starring Gregory Peck about the birth of the anti-Christ. Sa local naman, favorite ko ang ‘Gumising Ka, Maruja’ ni Lino Brocka, starring Susan Roces, and ‘Pandemonium’, also starring Susan Roces with Ronaldo Valdez, which I saw on TV as a child at hindi ko na nalimutan.”

First team-up din ni Mega with actor John Arcilla na napagalaman ng aktres na tagahanga pala niya.

 Kuwento nga ni Direk Erik tungkol sa bida ng pelikula niya sa pagiging horror film addict: “Sharon is a bonafide horror film fan. She can recite the entire lines of Linda Blair from the movie ‘The Exorcist’, na pareho naming favorite horror movie.”

Bukod kay John, makakasama din ng dalawang bida sina Guia Alvarez (dating artista ng Kapamilya Network na nagbabalik after more than 20 years) at ang magkapatid in real life (pero mga twins ang karakter nila sa movie) na sina Kent and Pam Gonzales na gumaganap bilang mga anak ni Sharon.

Showing na sa Wednesday, May 15 ang pelikula nationwide.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleEx-PBB teen housemate Seth Fedelin, malaki ang potensyal na maging big star
Next articleMOVE ON NA AFTER DARNA: Liza Soberano, may bagong teleserye

No posts to display