NAGLABAS NA NG kanilang official list of nominees ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) para sa kanilang 33rd Gawad Urian awards night, na as of presstime ay inaayos pa kung kelan ang magiging gabi ng parangal, at kung saan.
Siyempre pa, pinaka-exciting sa fans ang Best Actress category, and sa list ng Urian this year, “inisnab” ng mga Manunuri ang Megastar na si Sharon Cuneta for Mano Po 6: My Mother, mula sa Regal Entertainment, directed by Joel Lamangan.
Ganu’n din si Angelica Panganiban for her performance in I Love You, Goodbye mula sa Star Cinema, directed by Laurice Guillen. Matatandaang nag-win si Sharon ng Best Festival Actress award over Angelica sa MMFF Awards Night noong December 2009.
Pero sa Gawad Urian 2010, ‘di nga pumasa sa “panlasa” ng mga Manunuri ang acting na ipinamalas nina Sharon at Angelica upang ma-nominate man lang in the Best Actress race.
Pasok ang Star for All Seasons na si Vilma Santos as nominee for In My Life kaya excited na ang kanyang Vilmanians. Kung nu’ng mga nakaraang taon ay lima hanggang pito lamang ang Best Actress nominees, ngayon ay sampu! ‘Yan ay sa dami ng indie films ding namayagpag sa movie scene noong 2009.
Ang iba pang makakalaban ni Ate Vi ay sina: Iza Calzado (Dukot), Janice de Belen (Last Viewing), Eugene Domingo (Kimmy Dora), Irma Adlawan (ang Panggagahasa kay Fe), Rustica Carpio (Lola), Anita Linda (Lola), Che Ramos (Mangatyanan), Rosanna Roces (Wanted Border), at Tessie Tomas (Sanglaan).
“Suki” na si Vilma sa Urian at isa siya sa most awarded actresses sa nasabing award giving body, if we’re not mistaken. Walo na nga ba ‘yun? Magkakaalaman kung kay Ate Vi pa rin mapupunta ang pinakamimithing tropeo. April daw umano ang planong awards night nito.
FOR GAWAD URIAN best actor naman, pasok as nominee si John Lloyd Cruz for In My Life. Co-nominees ni Lloydie rito sina Lou Veloso (Colorum), Alfred Vargas (Colorum), Coco Martin (Kinatay), Raul Arellano (Himpapawid).
Nandiyan din sina Allen Dizon (Dukot), Dwight Gaston (The Arrival), Joey Paras (Last Supper), Felix Roco (Engkwentro), and Jacky Woo (Walang Hanggang Paalam).
Inisnab din ng Urian ang mainstream films like In My Life and Mano Po 6 as Best Picture nominees, kundi, as in the past, indie films ang namayani in this category.
Nominado as for Best Picture ang: The Arrival, Baseco Bakal Boys, Colorum, Engkwentro, Himpapawid, Hospital Boat, Kinatay, Lola, Last Supper No. 3, at Ang Panggagahasa kay Fe.
Ang kanilang Natatanging Gawad Urian (Lifetime Achievement Award) ay ipagkakaloob kay Ms Armida Siguion-Reyna.
ANG DAMING POSITIVE feedbacks ang naririnig at nababasa namin online tungkol sa matagumpay na enchancement ng mukha ng superstar na si Nora Aunor sa Japan, preparasyon bago siya magbalik-Pilipinas ngayong taon.
Napasilip ang “transformation” ng beauty ni Nora sa TV Patrol World last weekend at nasa YouTube na ito ngayon. Successful ang pagpapa-retoke na ito ni Mama Guy, and hindi siya nahiyang gawin ang pag-e-enhance na ito, dahil as it is, kahit na Hollywood actresses, legends at that, ay ginagawa ang ganitong beauty regimen.
Lalo na’t sa TV o big screen masisilayan ng isang artista, feeling ni Nora ay malaking tulong ito for her showbiz comeback, kahit for limited months lang sa ‘Pinas this year.
Samantala, nasa Canada ngayon ang Superstar for her series of concerts. Ang La Aunor concert ay ngayong March 4, 7 PM sa Kentizen Resto sa Tinseltown Mall- Abbot & Pender, Vancouver, Canada.
At ngayong March 5 naman at 7 PM din, papasayahin ni Nora ang mga Pinoy sa Canada sa Massey Theatre New West Minster, BC, Canada. For online Pinoys na based sa Canada, you can inquire through email at [email protected].
For comments, please email us at [email protected].
Mellow Thoughts
by Mell Navarro