KUNG PANINIWALAAN ANG balitang nasagap namin, isang public service program daw na mala-Wish Ko Lang ang pinag-uusapan between Viva and TV5 na planong gawin ng megastar na si Sharon Cuneta sa Kapatid Network, kung totoo ngang lilipat na ang aktres dito sa 2012.
Ang nakakabaliw sa “bombang balita” na itsinika sa amin ay hindi lang daw si Sharon ang host nito kundi pati ang dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, at ang initial title ay Kung May Hirap, May Ginhawa.
“Hindi makahindi si Sharon kay Erap dahil ninong ‘ata niya ito,” say ng aming source. “Si Sharon, parang ang gusto na niya ngayon sa stage ng career niya on TV ay ‘yung makatulong rin sa kapwa, parang si Oprah,” dagdag nito.
Puwedeng may bahid ng katotohanan ito since “graduate” na nga naman si Sharon sa musical variety shows and talk shows mula pa noong The Sharon Cuneta Show days niya sa IBC13, hanggang sa natapos ring Sharon (isang dekada) sa ABS-CBN last year.
Sina Sharon at Erap ang main hosts na nasa studio, at either si Wilma Doesnt or Tuesday Vargas ang field host ang nag-iinterbyu sa mga tao sa labas. Ang nakakalula, kung sa Wish Ko Lang daw eh, indibidwal ang tinutulungan, sa Sharon-Erap show raw ay – buong barangay!
Ang tsikang ito ay hindi pa namin makumpirma sa ngayon dahil wala pang formal announcement ang TV5 o Viva.
Malakas ang pakiramdam namin na for sure eh, may “share” si Erap sa pagpo-produce ng show. Alam mo na marahil ang dahilan lalo’t malapit na ang 2013, Dani Flores? Hahaha.
KUNG ANG IBANG young actors ay mga dramatic actors ang hinahangaan like Christopher de Leon, naiiba ang idol ni Alwyn Uytingco, at ito ay si Ronnie Lazaro, batikang mahusay na character actor.
Hindi man nagli-lead sa mga teleserye tulad ni Boyet – at kadalasan ay support o kontrabida pa minsan – walang paki si Alwyn basta’t idol niya si Ronnie, sa ang-king husay nito sa pag-arte.
Sa premiere night showing pa lang ng pilot episode ng Sa Ngalan ng Ina ni Ms Nora Aunor (na mapapanood ngayong gabi sa TV5), pinuri na ng mga kritiko ang performance ni Alwyn sa nasabing Mario O’Hara teleserye.
“Nag-research talaga ako noong una ko pa lang malaman ang character ko sa story. Nanood ako ng movies nina Al Pacino,” say ni Alwyn, na for us ay isa sa mga underrated young actors ng kasalukuyang henerasyon.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro